Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g20 Blg. 2 p. 4-5
  • Ang Ilang Paniniwala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ilang Paniniwala
  • Gumising!—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Hindu
  • Muslim
  • Turo ng Judaismo
  • Budista
  • Confucianist
  • Paniniwala ng ilang tribo
  • Kristiyano
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Tanong 3: Bakit Ako Hinahayaan ng Diyos na Magdusa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Bakit Laganap ang Pagdurusa?
    Gumising!—2011
  • 4. Talaga Bang Ginawa Tayo Para Magdusa?
    Gumising!—2020
Iba Pa
Gumising!—2020
g20 Blg. 2 p. 4-5
Mga simbolo ng Budismo, Hinduismo, relihiyon ng mga tribo, Judaismo, Kristiyanismo, Islam, at Confucianismo.

Ang Ilang Paniniwala

Hindu

Simbolo ng Hinduismo.

Naniniwala sila na ang pagdurusa ay resulta ng kanilang ginagawa ngayon o sa nagawa nila sa nakaraang buhay. Naniniwala rin sila na matatapos lang ang kanilang pagdurusa kapag naabot na nila ang moksha, o ang paglaya mula sa paulit-ulit na muling pagsilang. Mangyayari lang ito kapag tinalikuran na nila ang mga bagay sa mundo.

Muslim

Simbolo ng Islam.

Naniniwala sila na ang pagdurusa ay parusa para sa mga kasalanan at pagsubok ng pananampalataya. Ipinapaalala ng mga trahedya na kailangan nating “maging mapagpasalamat sa Diyos sa lahat ng pagpapala niya at maging palaisip sa pagtulong sa iba,” ang sabi ni Dr. Sayyid Syeed, presidente ng Islamic Society of North America.

Turo ng Judaismo

Simbolo ng Judaismo.

Naniniwala sila na ang pagdurusa ay resulta ng mga ginawa nila. Sinasabi ng ilang Judio na may pagkabuhay-muli. At sa panahong ito, matatanggap ng mga inosente ang hustisya para sa kanilang pagdurusa. Itinuturo naman ng Kabbalistic Judaism ang reinkarnasyon, na nagbibigay sa isang tao ng mga pagkakataong makabayad sa mga kasalanan niya.

Budista

Simbolo ng Budismo.

Naniniwala sila na ang pagdurusa ay laging mararanasan ng isang tao sa bawat muling pagsilang at matatapos lang kapag nawala na ang kaniyang maling gawain, emosyon, at pagnanasa. Sa pamamagitan ng karunungan, mabubuting gawa, at disiplina sa isip, maaabot ng isang tao ang nirvana—isang kalagayan na wala nang pagdurusa.

Confucianist

Simbolo ng Confucianismo.

Iniuugnay nila ang pagdurusa sa “kabiguan at pagkakamali ng tao,” ang sabi ng A Dictionary of Comparative Religion. Itinuturo nila na posibleng mabawasan ang pagdurusa kung mamumuhay sila nang tama. Pero naniniwala silang ang karamihan sa nararanasang pagdurusa ay kagagawan ng “mga espiritung nilalang na hindi kayang pigilan ng tao. Kaya wala nang magagawa ang tao kundi tanggapin ang Kapalaran nila.”

Paniniwala ng ilang tribo

Simbolo ng relihiyon ng mga tribo.

Iniuugnay nila ang pagdurusa sa pangkukulam. Naniniwala sila na ang mga mangkukulam ay may kakayahang magbigay ng suwerte o kapahamakan at na puwedeng mabawasan ang pagdurusang dala ng mga ito gamit ang iba’t ibang ritwal. Naniniwala sila na kayang kontrahin ng mga ritwal at gamot ng albularyo ang mga gawa ng mangkukulam.

Kristiyano

Simbolo ng Kristiyanismo.

Naniniwala sila na ang pagdurusa ay dahil sa kasalanan ng unang mag-asawa na mababasa sa Bibliya sa aklat ng Genesis. Pero dinagdagan ng ilang sekta ang turong iyan. Halimbawa, naniniwala ang ilang Katoliko na ang pagdurusa nila ay puwedeng ‘ialay sa Diyos’ para hilingin ang pagpapala para sa kanilang simbahan o na ang kanilang pagdurusa ay maging kaligtasan para sa iba.

PARA SA IBA PANG IMPORMASYON

Panoorin sa jw.org ang video na Tinatanggap Ba ng Diyos ang Lahat ng Pagsamba?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share