2. Tayo Ba ang Dapat Sisihin sa Ating Pagdurusa?
Bakit Dapat Itong Pag-isipan?
Kung oo, baka may magawa tayo para mabawasan ang pagdurusa natin.
Pag-isipan Ito
Gaano kalaking papel ang ginagampanan ng mga tao sa sumusunod na mga dahilan ng pagdurusa?
Pang-aabuso.
Ayon sa World Health Organization (WHO), tinataya na 1 sa bawat 4 na adulto ang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso noong bata sila at 1 naman sa bawat 3 babae ang nakaranas ng pisikal o seksuwal na pang-aabuso (o pareho) sa buhay nila.
Pagkamatay ng Mahal sa Buhay.
“Tinatayang 477,000 pagpatay ang nangyari sa buong mundo noong 2016,” ang sabi ng World Health Statistics 2018, na inilathala ng WHO. Hindi pa kasama riyan ang tinatayang 180,000 tao na namatay dahil sa digmaan at kaguluhan nang taon ding iyon.
Mga Problema sa Kalusugan.
Sa isang artikulo na inilathala sa magasing National Geographic, isinulat ni Fran Smith: “Mahigit sa isang bilyong tao ang naninigarilyo, at ang tabako ay nauugnay sa limang nangungunang dahilan ng kamatayan: sakit sa puso, stroke, respiratory infection, chronic obstructive pulmonary disease, at kanser sa baga.”
Hindi Pagkakapantay-pantay sa Lipunan.
“Dahil sa kahirapan, diskriminasyon sa estado sa buhay, lahi at kasarian, sapilitang paglipat ng lugar at kompetisyon sa lipunan, mas tumataas ang tsansang madepres, mabalisa, at matakot ang mga tao,” ang sabi ng psychologist na si Jay Watts.
PARA SA IBA PANG IMPORMASYON
Panoorin sa jw.org ang video na Bakit Ginawa ng Diyos ang Lupa?
Ang Sinasabi ng Bibliya
Tao ang dahilan ng karamihan sa mga pagdurusa sa ngayon.
Marami sa mga ito ay dahil sa mapang- abusong gobyerno na nagpapahirap sa mga tao na sinasabi nilang pinaglilingkuran nila.
“Ang tao ay namamahala sa kapuwa niya sa ikapipinsala nito.”—ECLESIASTES 8:9.
May magagawa tayo para mabawasan ang pagdurusa.
Makakatulong ang mga prinsipyo sa Bibliya para gumanda ang kalusugan natin at ang relasyon natin sa iba.
“Ang mahinahong puso ay nagbibigay-buhay sa katawan, pero ang inggit ay kabulukan sa mga buto.”—KAWIKAAN 14:30.
“Alisin ninyo sa inyong sarili ang lahat ng matinding hinanakit, galit, poot, pagbulyaw, at mapang-abusong pananalita, at anumang puwedeng makapinsala.”—EFESO 4:31.