Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g21 Blg. 3 p. 3
  • Alin ang Papaniwalaan Mo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alin ang Papaniwalaan Mo?
  • Gumising!—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Mabibigyan ng Maylalang ng Kahulugan ang Iyong Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Patibayin ang Pananampalataya Mo sa Maylalang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Minamahal Tayo ng Ating Dakilang Maylalang!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Paano Nagsimula ang Buhay?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—2021
g21 Blg. 3 p. 3
Isang babae na nakatingin sa isang lider ng relihiyon na may hawak na Bibliya at sa isang scientist na may hawak na modelo ng DNA.

Alin ang Papaniwalaan Mo?

“Ang uniberso ay nagmula sa wala at basta na lang lumitaw.”​—Stephen Hawking at Leonard Mlodinow, mga physicist, 2010.

“Nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.”​—Ang Bibliya, Genesis 1:1.

Ang uniberso ba at ang buhay dito ay nilalang ng Diyos o basta na lang lumitaw? Makikita natin sa sinabi ng dalawang physicist at ng unang teksto sa Bibliya ang dalawang magkaibang sagot sa tanong na iyan. May mga sumusuporta sa dalawang physicist at may mga pumapanig sa Bibliya. Pero marami rin ang hindi sigurado. Pinagdedebatihan ang paksang ito sa kilaláng mga aklat at sa media.

Baka itinuro sa iyo ng mga teacher mo na ang uniberso at ang buhay dito ay basta na lang lumitaw at na walang Maylalang. Pero may ipinakita ba silang ebidensiya na wala ngang Maylalang? O baka itinuro naman sa iyo ng mga lider ng relihiyon na mayroong Maylalang. Pero may mga patunay ba sila na ipinakita sa iyo? O basta na lang nila sinabing kailangan mo lang “manampalataya”?

Malamang na napag-isipan mo na rin ang tanong na iyan, at baka pakiramdam mo, wala talagang makakapagpatunay na mayroong Maylalang. At baka naitanong mo rin: Mahalaga pa bang malaman ko ang sagot?

Sa isyung ito ng Gumising!, makikita mo ang mga ebidensiya na nakakumbinsi sa marami na maniwalang mayroong Maylalang. Pagkatapos, tatalakayin nito kung bakit mahalagang malaman mo kung saan nagmula ang buhay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share