Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g21 Blg. 3 p. 8-9
  • Ang Hindi Kayang Ipaliwanag ng mga Scientist

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Hindi Kayang Ipaliwanag ng mga Scientist
  • Gumising!—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Paniniwala ng Isang Embryologist
    Gumising!—2016
  • Paano Nagsimula ang Uniberso at ang Buhay?
    Gumising!—2002
  • Kung Paano Apektado ng Siyensiya ang Buhay Mo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Mabibigyan ng Maylalang ng Kahulugan ang Iyong Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Gumising!—2021
g21 Blg. 3 p. 8-9
Isang teacher sa science na nakikipag-usap sa ilang estudyante niya.

Ang Hindi Kayang Ipaliwanag ng mga Scientist

Napag-aralan na yata ng mga scientist ang lahat ng tungkol sa uniberso. Pero ang dami pa ring tanong na hindi nila masagot.

Kaya bang ipaliwanag ng siyensiya kung paano nagsimula ang uniberso at ang buhay? Hindi. Sinasabi ng ilan na kaya raw ipaliwanag ng cosmology ang pinagmulan ng uniberso. Pero ganito ang sabi ni Marcelo Gleiser, propesor ng astronomiya sa Dartmouth College at isang agnostiko: “Hindi namin maipaliwanag kung paano nagsimula ang uniberso.”

Parang ganiyan din ang sinabi sa isang artikulo ng magasing Science News tungkol sa pinagmulan ng buhay: “Parang imposibleng malaman kung paano talaga nagsimula ang buhay sa planetang Lupa. Karamihan sa mga bato at fossil na nagpapakita kung ano talaga ang nangyari sa Lupa noong una ay matagal nang naglaho.” Ipinapakita ng mga pananalitang ito na hindi pa rin nasasagot ng siyensiya kung paano nagsimula ang uniberso at ang buhay.

Pero baka maisip mo, ‘Kung dinisenyo ang buhay sa lupa, sino ang disenyador nito?’ Baka maisip mo rin: ‘Kung may matalino at mapagmahal na Maylalang, bakit hinahayaan niyang magdusa ang mga tao? Bakit ang daming relihiyon? Bakit pinapahintulutan niyang gumawa ng masama ang mga sumasamba sa kaniya?’

Hindi masagot ng siyensiya ang mga tanong na iyan. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi mo na mahahanap ang mga sagot. Sa katunayan, nahanap ng marami ang nakakakumbinsing sagot sa Bibliya.

Kung gusto mong malaman kung bakit sinabi ng ilang scientist na nag-aral ng Bibliya na naniniwala silang mayroong Maylalang, pumunta sa jw.org. Hanapin ang serye ng mga video na Paniniwala sa Pinagmulan ng Buhay.

Nakumbinsi sila ng Siyensiya at ng Bibliya

Georgiy N. Koidan, chemist

“Madalas na pinaghahalo ko ang iba’t ibang kemikal para makabuo ng mga molecule. Para ’yong paglalaro ng chess: kailangan mong planuhin ang sunod-sunod mong gagawin. Kapag may nakalimutan kang gawin, masisira ang molecule. Komplikado ang trabaho ko, pero madali pa rin ito kung ikukumpara sa libo-libong chemical reaction na nangyayari sa loob ng buháy na mga selula para makabuo ng komplikadong mga chemical molecule. Dahil diyan, nakumbinsi ako na may isang Dakilang Chemist—ang Maylalang.

“Nang mag-aral ako ng Bibliya, nakita ko na hindi ito basta aklat lang. Natapos itong isulat halos 2,000 taon na ang nakakaraan, pero maaasahan pa rin ang mga payo nito hanggang ngayon. Talagang epektibo ang mga payo nito pagdating sa di-pagkakaunawaan sa pamilya, trabaho, at iba pa. Na-realize ko na ang makakapagbigay lang ng gano’ng mapagkakatiwalaang mga payo ay ang isa na mas matalino kaysa sa mga tao.”

Yan-Der Hsuuw, embryologist

“Habang nade-develop ang embryo, nagtutulungan ang lahat ng selula para ang espesipikong mga selula ay maging mga ugat, kalamnan, buto, dugo, at iba pang tissue para maging tao. Hindi pa rin natin eksaktong naiintindihan kung paano nagiging embryo ang mga selula. Kaya tingin ko, talagang nagmula ang buhay sa isang matalinong disenyador.

“Ang paglaki ng isang embryo sa sinapupunan ng kaniyang ina, gaya ng pagkakalarawan ng Bibliya sa Awit 139:15, 16, ay kahawig ng natuklasan ng mga scientist nitong nakaraang mga dekada. Hindi maisusulat ang tamang pagkakalarawan dito napakaraming taon na ang nakakaraan maliban na lang kung isiniwalat ito ng Maylalang sa manunulat nito.”

Panoorin ang video na Rocío Picado Herrero: Ang Paniniwala ng Isang Teacher ng Chemistry. Hanapin ang video na ito sa jw.org.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share