Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g21 Blg. 3 p. 14-15
  • Mahalagang Malaman ang Sagot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mahalagang Malaman ang Sagot
  • Gumising!—2021
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Magiging mas makabuluhan ang buhay mo
  • Makikinabang ka sa maaasahang mga payo
  • Masasagot ang mga tanong mo sa buhay
  • Magkakaroon ka ng pag-asa sa hinaharap
  • May Diyos Ba? Mahalaga Ba Kung Mayroon Man?
    Gumising!—2015
  • Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Nagbibigay ng Pag-asa ang Bibliya
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Nagbibigay ng Pag-asa ang Bibliya
    Masayang Buhay Magpakailanman—Introduksiyon sa Pag-aaral ng Bibliya
Iba Pa
Gumising!—2021
g21 Blg. 3 p. 14-15
Magkakaibigang hangang-hanga sa mga hayop na nasa puno.

Mahalagang Malaman ang Sagot

Bakit mahalagang malaman mo na mayroong Maylalang? Kung makukumbinsi ka ng mga ebidensiya na mayroong Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, gugustuhin mo ring suriin ang mga ebidensiya na ang Bibliya ay galing sa kaniya. At kung magtitiwala ka sa Bibliya, siguradong mapapabuti ka.

Magiging mas makabuluhan ang buhay mo

ANG SABI NG BIBLIYA: “Gumawa [ang Diyos] ng mabuti at binigyan kayo ng ulan mula sa langit at mabubungang panahon at saganang pagkain, at pinasaya niya nang lubos ang puso ninyo.”​—Gawa 14:17.

IBIG SABIHIN: Lahat ng bagay na nagpapasaya sa iyo ay regalo ng Maylalang. At mas mapapahalagahan mo ang mga regalong ito kung malalaman mo kung gaano ka niya kamahal.

Makikinabang ka sa maaasahang mga payo

ANG SABI NG BIBLIYA: “Maiintindihan mo kung ano ang matuwid, makatarungan, at patas, ang landas ng kabutihan.”​—Kawikaan 2:9.

IBIG SABIHIN: Dahil ang Diyos ang iyong Maylalang, alam niya ang magpapasaya sa iyo. Kung susuriin mo ang Bibliya, makikinabang ka sa mga matututuhan mo.

Masasagot ang mga tanong mo sa buhay

ANG SABI NG BIBLIYA: “Matatagpuan mo ang kaalaman tungkol sa Diyos.”​—Kawikaan 2:5.

IBIG SABIHIN: Makakatulong ang paniniwala sa Maylalang para malaman mo ang sagot sa mga tanong na gaya ng: Bakit tayo nabubuhay? Bakit tayo nagdurusa? Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo? Nasa Bibliya ang nakakakumbinsing mga sagot.

Magkakaroon ka ng pag-asa sa hinaharap

ANG SABI NG BIBLIYA: “‘Alam na alam ko ang gusto kong gawin para sa inyo,’ ang sabi ni Jehova. ‘Bibigyan ko kayo ng kapayapaan, at hindi ng kapahamakan, para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan at pag-asa.’”—Jeremias 29:11.

Tingnan sa jw.org ang mga video na Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo ang Sinasabi ng Bibliya? at Sino ang Awtor ng Bibliya? Makikita mo ang mga ito kung ita-type mo ang “totoo Bibliya” o “awtor ng Bibliya” sa search box.

IBIG SABIHIN: Ipinapangako ng Diyos na sa hinaharap, aalisin niya ang kasamaan, pagdurusa, at kamatayan. Kung magtitiwala ka sa mga pangako ng Diyos, hindi ka mawawalan ng pag-asa at mahaharap mo ang mga problema nang may lakas ng loob.

Kung paano nakinabang ang ilan sa paniniwala sa Maylalang

Cyndi.

“Hangang-hanga ako kapag nakikita ko na tinutulungan tayo ng Diyos sa maraming paraan gaya ng pagtatakda ng priyoridad, kung paano aayusin ang mga di-pagkakasundo, at kung paano niya tayo magiging kaibigan.”​—Cyndi, U.S.A.

Elise.

“Dahil naniniwala ako sa Maylalang, ang saya-saya ko! Ang dami kong magagandang bagay na natututuhan tungkol sa kaniya, sa mga nilalang niya, at sa kaniyang Salita.”​—Elise, France.

Peter.

“Dahil sinusunod ko ang mga payo ng Maylalang na nasa Bibliya, naging mas masaya ako. Hindi na ako masyadong mapamuna at naging mas mapagmalasakit ako at kontento. Naging mas mabuting tatay din ako.”​—Peter, Netherlands.

Liz.

“Dati, puro kain at tulog lang ako, at lagi akong nagmamadali papasók sa trabaho. Stress na stress ako! Pero natutuhan ko na napakagandang regalo ang buhay at dapat itong pahalagahan.”​—Liz, Estonia.

Adrien.

“Lagi akong nag-aalala. Pero dahil nalaman ko na matatapos din ang kasamaan, kawalang-katarungan, at paghihirap, mas nakakayanan ko ang mga problema.”​—Adrien, France.

Alamin ang sagot ng Bibliya sa mahahalagang tanong sa buhay. Panoorin ang video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share