Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g24 Blg. 1 p. 4-6
  • Nasaan Na ang Respeto sa Iba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nasaan Na ang Respeto sa Iba?
  • Gumising!—2024
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KUNG BAKIT MAHALAGANG IRESPETO ANG IBA
  • ANG PUWEDE MONG GAWIN
  • ANG GINAGAWA NAMIN
  • Nasaan Na ang Respeto?
    Gumising!—2024
  • Pagrespeto sa mga Pagkakaiba ng mga Tao—Kung Paano Makakatulong ang Bibliya
    Iba Pang Paksa
  • Paano Ko Magagawang Igalang Ako ng Iba?
    Gumising!—1992
  • Bakit Dapat Nating Igalang ang Awtoridad?
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—2024
g24 Blg. 1 p. 4-6
Lalaking kumakain sa restaurant at pinapagalitan ang waiter na humihingi ng paumanhin. Nahihiya ang mga kasama niya sa mesa.

Nasaan Na ang Respeto sa Iba?

KUNG BAKIT MAHALAGANG IRESPETO ANG IBA

Kapag nirerespeto natin ang iba, naiiwasan natin ang tensiyon at hindi na lumalala ang sitwasyon.

  • Sinasabi ng isang kawikaan sa Bibliya: “Ang mahinahong sagot ay nakapapawi ng galit, pero ang masakit na salita ay nakagagalit.” (Kawikaan 15:1) Nakakadagdag lang sa problema ang walang galang na pananalita at pagkilos, at madalas na hindi maganda ang resulta nito.

  • Sinabi ni Jesus: “Lumalabas sa bibig kung ano ang laman ng puso.” (Mateo 12:34) Kapag walang respeto ang pananalita natin, ipinapakita nito kung ano talaga ang tingin natin sa mga taong iba ang lahi sa atin, tribo, at katayuan sa buhay.

    Sa mahigit 32,000 sinurbey mula sa 28 bansa kamakailan, 65 porsiyento ang nagsabi na ngayon lang nila nakita ang ganitong kawalang galang sa iba.

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Nasa paaralan ka man o sa trabaho, irespeto ang lahat ng tao—kahit magkaiba kayo ng pananaw sa buhay. Alamin kung saan kayo magkakasundo. Tutulong iyon para hindi ka maging mapanghusga.

“Huwag na kayong humatol para hindi kayo mahatulan.”​—Mateo 7:1.

Tratuhin ang iba kung paano mo gustong tratuhin ka nila. Kung mabait ka at patas sa iba, malamang na iyon din ang ipakita nila sa iyo.

“Kung ano ang gusto ninyong gawin ng mga tao sa inyo, iyon din ang gawin ninyo sa kanila.”​—Lucas 6:31.

Maging mapagpatawad. Huwag isiping sinasadya ng iba kapag nakagawa o nakapagsalita sila nang hindi maganda sa iyo.

“Ang kaunawaan ng tao ang pumipigil sa kaniya na magalit agad, at nagiging kapuri-puri siya kapag pinalalampas niya ang pagkakamali.”​—Kawikaan 19:11.

Sa loob ng Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova bago magsimula ang pulong. Masayang nagkukuwentuhan ang mga taong iba’t iba ang edad at lahi.
Sa loob ng Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova bago magsimula ang pulong. Masayang nagkukuwentuhan ang mga taong iba’t iba ang edad at lahi.

ANG GINAGAWA NAMIN

Iginagalang naming mga Saksi ni Jehova ang iba saan man kami nakatira o nagtatrabaho.

Nagboboluntaryo kaming turuan sa Bibliya ang lahat ng tao, pero hindi namin ipinipilit sa kanila ang mga paniniwala o opinyon namin. Kapag sinasabi namin ang mensahe ng Bibliya sa iba, sinusunod namin ang payo nito na gawin iyon “nang mahinahon at may matinding paggalang.”​—1 Pedro 3:15; 2 Timoteo 2:24.

Pantay-pantay ang pakikitungo namin sa lahat. Tinatanggap namin sa mga pulong namin ang lahat ng tao na gustong matuto ng Bibliya anuman ang pinagmulan nila. Sinisikap naming unawain at ‘igalang ang lahat ng tao.’—1 Pedro 2:​17, Magandang Balita Biblia.

Iginagalang namin ang awtoridad ng gobyerno kung saan kami nakatira. (Roma 13:1) Sinusunod namin ang mga batas at nagbabayad kami ng buwis. Neutral kami sa politika, pero nirerespeto namin ang karapatan ng iba na gumawa ng sariling desisyon pagdating sa politika.

Collage: Mga eksena mula sa video na “Kailan Magtatagumpay ang Matapat na Pag-ibig Laban sa Poot?” 1. Lalaking Arab. 2. Lalaking Judio.

HIGIT PANG IMPORMASYON

Hindi madaling irespeto ang iba kapag nasanay kang kapootan sila. Tingnan kung paano natutuhang irespeto ng dalawang lalaking mula sa magkalabang bansa ang isa’t isa. Hanapin ang video na Madadaig Ba ng Pag-ibig ang Poot? sa jw.org.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share