Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 7
  • Isang Matapang na Tao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Matapang na Tao
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • “Lubos Niyang Napalugdan ang Diyos”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Enoc—Walang Takot sa Kabila ng Lahat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Si Enoc ay Lumakad na Kasama ng Diyos sa Isang Di-makadiyos na Sanlibutan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Lumakad na Kasama ng Diyos sa Maligalig na Panahong Ito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 7

KUWENTO 7

Isang Matapang na Tao

NANG dumadami na ang tao sa lupa, marami sa kanila ang gumawa ng masama gaya ni Cain. Pero may isang lalaki na ibang-iba. Siya ay ang tao na nagngangalang Enoc. Si Enoc ay matapang na tao. Naglingkod siya sa Diyos.

Alam mo ba kung bakit ang mga tao noong panahong iyon ay gumawa nang masama? Sige, isipin mo, Sino ang nagtulak kina Adan at Eba para sumuway sa Diyos? Oo, isang masamang anghel. Sa Bibliya tinatawag siya na Satanas. Gusto niya na lahat ay maging masama.

Isang araw inutusan ng Diyos na Jehova si Enoc na sabihin sa mga tao ang isang bagay na hindi nila magugustuhang pakinggan. Ganito iyon: ‘Darating ang araw na pupuksain ng Diyos ang lahat ng masasama.’ Siguro galit-na-galit ang mga tao nang kanilang marinig ito. Kaya dapat na maging matapang si Enoc.

Hindi pumayag ang Diyos na si Enoc ay mabuhay nang matagal sa gitna ng masasamang mga taong yaon. Si Enoc ay umabot lang sa 365 taóng gulang. Oo, mas mahahaba ang buhay ng mga tao noong araw. Aba, ang anak ni Enoc na si Matusalem ay nabuhay nang 969 taon!

Nang mamatay na si Enoc, lalong sumama ang mga tao. Sinasabi ng Bibliya na ang ‘lupa ay napuno ng karahasan.’

Alam mo ba kung bakit napakagulo noong panahong iyon? Kasi may bagong paraan si Satanas sa paghikayat sa mga tao para sila gumawa ng masama. Ito ang susunod nating matututuhan.

Genesis 5:21-24, 27; 6:5; Hebreo 11:5; Judas 14, 15.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share