Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 14
  • Sinubok ng Diyos ang Pananampalataya ni Abraham

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sinubok ng Diyos ang Pananampalataya ni Abraham
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Pagsubok sa Pananampalataya
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Sino si Abraham?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Tinawag Siya ni Jehova na “Aking Kaibigan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Ang Pinakadakilang Katunayan ng Pag-ibig ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 14

KUWENTO 14

Sinubok ng Diyos ang Pananampalataya ni Abraham

NAKIKITA mo ba kung ano ang ginagawa dito ni Abraham? May kutsilyo siya, at papatayin yata niya ang kaniyang anak. Bakit kaya niya gagawin ito? Tingnan muna natin kung papaano nagkaanak sina Abraham at Sara.

Tandaan, nangako ang Diyos na sila’y magkakaroon ng anak na lalaki. Parang imposible iyon, kasi napakatanda na nina Abraham at Sara. Pero naniwala rin si Abraham sa pangako ng Diyos. Ano kaya ang nangyari?

Nang si Abraham ay 100 taon na, at si Sarah ay 90, tinupad ng Diyos ang kaniyang pangako. Nagkaanak sila ng sanggol na lalaki na nagngangalang Isaac!

Nang malaki na si Isaac, ang pananampalataya ni Abraham ay sinubok ni Jehova. Sabi niya: ‘Dalhin mo si Isaac sa bundok na ipakikita ko sa iyo. Papatayin mo siya doon at ihahandog mo siya bilang isang hain.’ Pero, tandaan mo, nangako ang Diyos na ang mga anak ni Abraham ay titira sa lupain ng Canaan. Papaano mangyayari ito kung si Isaac ay mamamatay? Hindi ito maintindihan ni Abraham, pero sumunod pa rin siya sa Diyos.

Pagdating sa bundok, itinali ni Abraham si Isaac at inilagay ito sa altar na kaniyang itinayo. Nang sandaling papatayin na niya si Isaac, sumigaw ang anghel ng Diyos: ‘Abraham, huwag mong saktan ang bata. Alam ko na ngayon na ikaw ay may pananampalataya sa akin, kasi hindi mo ikinait sa akin ang iyong kaisa-isang anak.’

Kay laki ng pananampalataya ni Abraham sa Diyos! Naniwala siya na kayang buhayin ni Jehova si Isaac mula sa mga patay. Pero hindi talaga gusto ng Diyos na mamatay si Isaac. Kaya isang tupa ang pinabayaan ng Diyos na maipit sa sanga ng kalapit na puno, at sinabi niya kay Abraham na ito ang ihain na kahalili ng anak niya.

Genesis 21:1-7; 22:1-18.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share