Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 38
  • Ang 12 Tiktik

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang 12 Tiktik
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Labindalawang Espiya
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Ikaw ba ay Lubos na Sumusunod kay Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Naging Pinuno si Josue
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Tiktik
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 38

KUWENTO 38

Ang 12 Tiktik

TINGNAN mo ang prutas na dala ng mga lalaking ito. Tingnan mo kung gaano kalaki ang bungkos na iyon ng ubas! Saan galing ang napakagandang prutas na ito? Mula sa lupain ng Canaan. Tandaan na ang Canaan ay siyang lugar na pinanggalingan nina Abraham, Isaac at Jacob. Inaakay ni Moises ang mga Israelita pabalik doon. Narating na nila ang isang lugar sa ilang na tinatawag na Kades.

Masasamang tao ang nakatira sa lupain ng Canaan. Kaya nagsugo si Moises ng 12 tiktik para tingnan kung gaano kalakas ang mga tao at kung gaano kabuti ang lupa para sa pagtatanim.

Nang bumalik ang mga espiya, sinabi nila kay Moises: ‘Talagang ito ay isang magandang lupain.’ At para patunayan ito ipinakita nila kay Moises ang ilang prutas. Pero 10 sa mga espiya ang nagsabi: ‘Ang mga tao ay malalaki at matataas. Mamamatay tayo kung kukunin natin ang lupain.’

Kaya natakot ang mga Israelita. ‘Mamamatay tayo sa pakikipaglaban,’ sabi nila. ‘Ang ating mga asawa at anak ay huhulihin. Pumili tayo ng bagong pinuno na kapalit ni Moises, at bumalik na tayo sa Ehipto.’

Pero dalawa sa mga tiktik ay nagtiwala kay Jehova. Ang mga pangalan nila ay Josue at Caleb. Sabi nila: ‘Huwag kayong matakot. Si Jehova ay nakasama natin. Napakadaling kunin ang lupain.’ Pero ayaw makinig ang bayan. Gusto pa nga nilang patayin sina Josue at Caleb.

Kaya galit-na-galit si Jehova. Sinabi niya kay Moises: ‘Walang sinomang 20 taong gulang pataas ang makakapasok sa Canaan. Nakita nila ang mga himala na ginawa ko sa Ehipto at sa ilang pero ayaw pa rin nilang magtiwala sa akin. Kaya magpapalabuy-laboy sila sa ilang sa loob ng 40 taon hanggang sa mamatay ang kahulihulihan sa kanila. Si Josue at si Caleb lang ang makakapasok sa lupain ng Canaan.’

Bilang 13:1-33; 14:1-38.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share