Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 47
  • Isang Magnanakaw sa Israel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Magnanakaw sa Israel
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Acan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Josue
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Aklat ng Bibliya Bilang 6—Josue
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Acar
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 47

KUWENTO 47

Isang Magnanakaw sa Israel

TINGNAN mo kung ano ang ibinabaon ng lalaki sa kaniyang tolda. Isang magandang damit, isang baretang ginto at ilang pirasong pilak. Kinuha niya ito sa lunsod ng Jerico. Natatandaan mo ba kung ano ang dapat gawin sa mga sinamsam sa Jerico?

Dapat nilang sirain ito. Ang ginto at pilak ay ibinigay sana nila sa kabang yaman sa tabernakulo ni Jehova. Kaya sila ay sumusuway sa Diyos. Ninakaw nila ang pag-aari ni Jehova. Ang pangalan ng lalaki ay Achan, at ang kasama niya ay ang mga kasambahay niya. Tingnan natin kung ano ang mangyayari.

Pagkatapos nakawin ni Achan ang mga bagay na ito, ang mga Israelita ay natalo sa digmaan laban sa lunsod ng Ai. Lungkot-na-lungkot si Josue kaya tinanong niya si Jehova kung bakit niya pinayagan na mangyari ito.

Sabi ni Jehova: ‘Nagkasala ang Israel. Kinuha nila ang mga bagay na dapat sanang sirain o ibigay sa tabernakulo ni Jehova. Hindi ko kayo pagpapalain hangga’t di ninyo sinisira ang mga ito pati na ang nagnakaw niyaon.’ Ipakikita raw ni Jehova kay Josue kung sino ang maysala.

Kaya tinipon ni Josue ang bayan, at inihiwalay ni Jehova ang masamang taong si Achan. Inamin ni Achan ang kasalanan niya at sinabi kay Josue kung saan niya itinago ang kaniyang ninakaw.

Nang matuklasan na yaon, sinabi ni Josue kay Achan: ‘Bakit mo kami ipinahamak? Ipapahamak ka ngayon ni Jehova!’ Kaya si Achan at ang kaniyang pamilya ay pinagbabato hanggang mamatay. Hindi ba ito nagpapakita na masama ang kumuha ng hindi sa atin?

Lumaban uli ang Israel sa Ai. Tinulungan na ngayon sila ni Jehova, kaya nanalo sila.

Josue 7:1-26; 8:1-29.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share