Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 75
  • Apat na Binata sa Babilonya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Apat na Binata sa Babilonya
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Apat na Kabataang Sumunod kay Jehova
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Sinubok—Ngunit Tapat kay Jehova!
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
  • Nakaligtas ang Kanilang Pananampalataya sa Matinding Pagsubok
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Daniel
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 75

KUWENTO 75

Apat na Binata sa Babilonya

DINALA ni Haring Nabukodonosor ang lahat ng edukadong Israelita sa Babilonya. Mula sa mga ito, at pinili niya ang pinakamakikisig at pinakamatatalinong binata. Apat sa kanila ay nakikita mo rito. Ang isa ay si Daniel, at ang tatlo ay tinawag ng mga taga-Babilonya na Sadrac, Mesac at Abednego.

Binalak ni Nabukodonosor na sanayin ang mga binata sa loob ng tatlong taon, at pagkatapos ay piliin ang pinakamatatalino para tulungan siya sa kaniyang mga problema. Pinakain niya sila ng masustansiyang pagkain at alak mula sa kaniyang sariling mesa para sila lumakas at lumusog.

Tingnan mo si Daniel. Alam mo ba kung ano ang sinasabi niya sa mayordomo ni Nabukodonosor, si Aspenas? Sinasabi ni Daniel na ayaw niyang kumain ng masustansiyang pagkain. Pero nag-aalala si Aspenas. Kung ang apat na ito ay hindi magiging kasinglusog ng iba, baka patayin ng hari si Aspenas.

Pero sinasabi ni Daniel sa tagapag-alaga na inatasan ni Aspenas: ‘Pakibigyan mo na lang kami ng gulay at tubig sa loob ng 10 araw. Pagkatapos ihambing mo kami sa ibang binata at tingnan natin kung sino ang mas malusog.’

Pumayag ito. Pagkaraan ng 10 araw, si Daniel at ang tatlong kaibigan niya ay naging mas malusog kaysa ibang mga binata. Kaya patuloy silang kumain ng gulay imbes na yaong ibinibigay ng hari.

Pagkatapos ng tatlong taon, nakita ng hari na si Daniel at ang tatlong kaibigan niya ang pinakamatalino sa lahat. Kaya pinanatili niya sila sa palasyo para tulungan siya. Tuwing tatanungin ng hari sina Daniel, Sadrac, Mesac at Abednego tungkol sa mga problema, 10 beses ang alam nila kaysa sa kaniyang mga saserdote o tagapayo.

Daniel 1:1-21.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share