Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 91
  • Nagtuturo si Jesus sa Tabi ng Bundok

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagtuturo si Jesus sa Tabi ng Bundok
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpili sa Kaniyang mga Apostol
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Pagpili sa Kaniyang mga Apostol
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Pumili si Jesus ng Labindalawang Apostol
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Pumili si Jesus ng Labindalawang Apostol
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 91

KUWENTO 91

Nagtuturo si Jesus sa Tabi ng Bundok

TINGNAN mo si Jesus habang nagtuturo sa tabi ng isang bundok sa Galilea. Ang mga nakaupo malapit sa kaniya ay ang kaniyang mga alagad. Pumili siya ng 12 para maging mga apostol. Ang mga apostol ay mga espesyal na alagad ni Jesus. Alam mo ba ang mga pangalan nila?

Nariyan si Simon Pedro at ang kapatid niyang si Andres. Nariyan sina Santiago at Juan, na magkapatid din. May isa pang Santiago, at isa pang Simon. Dalawang apostol ang nagngangalang Judas: si Judas Iscariote, at isa pa ring Judas (na tinatawag na Tadeo). Nariyan din sina Felipe at Nataniel (na tinatawag ding Bartolome), at sina Mateo at Tomas.

Pagkagaling sa Samaria, nagsimulang mangaral si Jesus: ‘Ang kaharian ng langit ay malapit na.’ Ito’y gobyerno ng Diyos. Si Jesus ang hari nito. Maghahari siya mula sa langit para magdala ng kapayapaan at gawing paraiso ang lupa.

Sinasabi dito ni Jesus: ‘Dapat kayong manalangin nang ganito: ‘Ama namin na nasa langit, parangalan nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang kalooban mo sa lupa, gaya nang sa langit.’ Ang tawag dito ay ‘Ang Panalangin ng Panginoon,’ o ang ‘Ama Namin.’

Tinuturuan din ni Jesus ang mga tao na makitungo sa isa’t-isa nang may kabaitan. ‘Gawin ninyo sa iba kung ano rin ang gusto ninyong gawin nila sa inyo,’ sabi niya. Hindi ba napakaganda kung sa paraisong lupa, lahat ng tao ay gagawa nito?

Mateo mga kabanatang 5 hanggang 7; 10:1-4.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share