Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 95
  • Ang Paraan ng Pagtuturo ni Jesus

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Paraan ng Pagtuturo ni Jesus
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Aral sa Pagiging Mabait
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Isang Samaritano na Naging Tunay na Kapuwa
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging “Mabuting Samaritano”?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Isang Nagkawanggawang Samaritano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 95

KUWENTO 95

Ang Paraan ng Pagtuturo ni Jesus

MINSAN ay sinabi ni Jesus sa isang tao na dapat nitong mahalin ang kaniyang kapuwa. Nagtanong ito kay Jesus: ‘Sino ang aking kapuwa?’ Alam ni Jesus kung ano ang iniisip ng taong iyon. Akala nito ay mga kababayan at karelihiyon lang niya ang kaniyang kapuwa-tao. Kaya alamin natin kung ano ang sinabi sa kaniya ni Jesus.

Nagkuwento siya tungkol sa isang Hudiyo at isang Samaritano. Alam natin na maraming Hudiyo ang galit sa mga Samaritano. Kaya, ganito ang kuwento ni Jesus:

Isang araw mayroong Hudiyo na naglalakad sa bundok patungong Jerico. Pero hinarang siya ng mga tulisan. Ninakaw nila ang pera niya at binugbog siya hanggang halos mamatay na siya.

Maya-maya, isang saserdoteng Hudiyo ang dumaan. Nakita niya ang tao. Ano sa akala mo ang ginawa niya? Aba, basta tumawid lang siya sa kabila ng kalsada at nagpatuloy sa paglalakad. Pagkatapos ay may iba na namang dumaan. Ito ay isang Levita. Hindi rin ito huminto para tumulong. Makikita mo ang saserdote at ang Levita na papalayo.

Pero sino itong tumutulong sa taong binugbog? Siya’y isang Samaritano. Ginagamot niya ang mga sugat nito. Pagkatapos ay dinala niya ang Hudiyo sa isang lugar na doon puwede itong magpahinga at magpagaling.

Pagkatapos magkuwento, sinabi ni Jesus: ‘Sa akala mo, sino sa kanilang tatlo ang naging mabuting kapuwa sa taong binugbog?’

Sumagot ang kausap niya: ‘Ang Samaritano. Kasi mabait siya.’

Sinabi ni Jesus: ‘Tama iyan. Kaya lumakad ka na at gawin mo sa iba ang gaya ng kaniyang ginawa.’

Hindi mo ba nagugustuhan ang paraan ng pagtuturo ni Jesus?

Lucas 10:25-37.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share