Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 97
  • Dumating si Jesus Bilang Hari

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dumating si Jesus Bilang Hari
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Pumasok sa Jerusalem ang Hari Sakay ng Isang Bisiro
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Pinagaling ang Maysakit
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Nagsalita ang Isang Asno
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Ano ang Kaharian ng Diyos? Kung Paano Maipakikitang Gusto Natin Ito
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 97

KUWENTO 97

Dumating si Jesus Bilang Hari

DUMATING si Jesus sa isang maliit na nayon malapit sa Jerusalem. Sinabi niya sa dalawa niyang alagad: ‘Pumasok kayo sa nayon at makakasumpong kayo ng isang batang asno. Kalagan ninyo ito at dalhin sa akin.’

Sinakyan ni Jesus ang asno, at pumaroon sa Jerusalem. Isang malaking grupo ng mga tao ang sumalubong sa kaniya. Marami sa kanila ay naglatag ng kanilang mga balabal sa daan. Ang iba ay pumutol ng sanga mula sa mga palma at inilagay din ang mga ito sa daan. Sumisigaw sila: ‘Pagpalain nawa ng Diyos ang hari na pumaparito sa pangalan ni Jehova.’

Noong araw ang mga bagong hari sa Israel ay pumapasok sa Jerusalem sakay ng isang batang asno para magpakita sa mga tao. Kaya ganito ang ginagawa ni Jesus. At ipinakikita ng mga taong ito na gusto nila si Jesus na maging kanilang hari. Pero hindi lahat ay may gusto nito. Ipinakikita ito ng mga pangyayari sa templo.

Doon, pinagaling ni Jesus ang mga bulag at pilay. Nang makita ito ng mga bata, sumigaw sila ng papuri kay Jesus. Pero nagalit ang mga saserdote at sinabi kay Jesus: ‘Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga bata?’

Sumagot si Jesus: ‘Hindi ba ninyo nabasa sa Bibliya: ‘Mula sa bibig ng mumunting bata ay magdadala ang Diyos ng papuri?’ Kaya ang mga bata ay patuloy na nagpuri kay Jesus.

Gusto nating gayahin ang mga batang yaon, hindi ba? Anoman ang sabihin ng iba, patuloy nating sasabihin ang tungkol sa kamangha-manghang mga bagay na gagawin ni Jesus para sa mga tao.

Kailan maghahari si Jesus? Iyan ang susunod nating mababasa.

Mateo 21:1-17; Juan 12:12-16.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share