Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 104
  • Nagbalik sa Langit si Jesus

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagbalik sa Langit si Jesus
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Ano ba ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Tungkol sa Kaharian ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Sino ang Pupunta sa Langit, at Bakit?
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 104

KUWENTO 104

Nagbalik sa Langit si Jesus

SA PAGLIPAS ng mga araw, maraming beses na nagpakita si Jesus sa mga alagad. Minsan ay 500 ang nakakita sa kaniya. Lagi niya silang kinakausap tungkol sa kaharian ng Diyos. Isinugo siya ni Jehova sa lupa para magturo tungkol sa Kaharian. At patuloy siya sa paggawa nito kahit natapos siyang buhayin sa mga patay.

Ang Kahariang yaon ay isang tunay na gobiyerno ng Diyos sa langit, at si Jesus ang pinili ng Diyos para maghari. Gaya ng natutuhan natin, ipinakita ni Jesus kung gaano siya kagaling na hari nang pakanin niya ang mga nagugutom, pagalingin ang mga maysakit, at nang buhayin niya maging ang mga patay.

Kaya kapag si Jesus na ang hari sa langit sa loob ng sanlibong taon, ang buong lupa ay magiging isang magandang paraiso. Wala nang digmaan, krimen, sakit, at maging ang kamatayan.

Panahon na para bumalik si Jesus sa langit. 40 araw nang nagpapakita si Jesus sa mga alagad niya, kaya nakakatiyak sila na buhay na siya. Bago sila iwanan, sinabi niya sa kanila na manatili sa Jerusalem hanggang sa tanggapin nila ang banal na espiritu. Ito ang aktibong puwersa ng Diyos na tutulong sa kanila sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Pagkatapos ay sinabi niya: ‘Mangangaral kayo tungkol sa akin hanggang sa kaduluduluhan ng lupa.’

Ngayon, isang kamangha-manghang bagay ang nangyari. Pumaitaas si Jesus sa langit, gaya ng nakikita mo. Isang ulap ang nagtakip sa kaniya mula sa kanilang paningin, kaya’t hindi na uli nakita si Jesus ng mga alagad niya. Bumalik si Jesus sa langit, at mula roon ay naghari sa kaniyang mga tagasunod na nasa lupa.

1 Corinto 15:3-8; Apocalipsis 21:3, 4; Gawa 1:1-11.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share