Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 107
  • Binato si Esteban

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binato si Esteban
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Si Esteban—“Talagang Kalugod-lugod sa Diyos at Puspos ng Kapangyarihan”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Esteban
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 107

KUWENTO 107

Binato si Esteban

ANG lalaking nakaluhod ay si Esteban. Siya’y isang tapat na alagad ni Jesus. Pero tingnan mo ang mga taong bumabato sa kaniya! Bakit nila ginagawa ito? Tingnan natin.

Si Esteban ay tinulungan ng Diyos na gumawa ng mga himala. Hindi nila ito nagustuhan, kaya nakipagtalo sila sa kaniya. Pero si Esteban ay binigyan ng Diyos ng karunungan, kaya ipinakita niya na ang mga taong ito ay nagtuturo ng mali. Lalo silang nagalit. Sinunggaban nila siya at humanap ng mga tao para magsinungaling tungkol sa kaniya.

Tinanong ng mataas na saserdote si Esteban: ‘Totoo ba ang mga bagay na ito?’ Sumagot si Esteban sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang mahusay na pahayag mula sa Bibliya. Nang matapos ito ay sinabi niya: ‘Katulad kayo ng masasamang tao na napoot sa mga propeta ng Diyos noong unang panahon. Pinatay ninyo ang lingkod ng Diyos, si Jesus.’

Dahil dito’y tumindi ang galit ng mga pinuno ng relihiyon! Pero sinabi ni Esteban ang ganito: ‘Aba! Nakikita ko si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos sa langit.’ Bunga nito, si Esteban ay kanilang sinunggaban at kinaladkad papalabas sa lunsod.

Dito’y hinubad nila ang kanilang mga balabal at ibinigay sa binatang si Saul para bantayan niya. Nakikita mo ba si Saul? Pagkatapos ay pinagbabato si Esteban ng ilan sa mga lalaki. Lumuhod si Esteban, gaya ng nakikita mo, at nanalangin sa Diyos: ‘Jehova, huwag po ninyo silang parusahan dahil sa kasamaang ito.’ Alam niya na marami sa kanila ay niloko lamang ng mga pinuno ng relihiyon. Pagkatapos nito, ay namatay si Esteban.

Kapag may gumawa sa iyo ng masama, gumaganti ka ba? Si Esteban at si Jesus ay hindi. Gayahin natin sila.

Gawa 6:8-15; 7:1-60.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share