Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 108
  • Patungo sa Damasco

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patungo sa Damasco
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Pinili ni Jesus si Saul
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Ang Mang-uusig ay Nakakita ng Matinding Liwanag
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Puwede Pa Kayang Magbago ang mga Gumagawa ng Masama?
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Pumukaw ng Pagkapoot ang Pangangaral ni Saul
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 108

KUWENTO 108

Patungo sa Damasco

ALAM mo ba kung sino yaong nakahiga sa lupa? Yao’y si Saul. Tandaan, siya ang nagbantay ng mga balabal ng mga bumato kay Esteban. Tingnan mo ang nakasisilaw na liwanag! Ano ang nangyayari?

Pagkatapos patayin si Esteban, nanguna si Saul sa paghahanap sa mga tagasunod ni Jesus para pahirapan sila. Marami sa mga alagad ang tumakas sa ibang lunsod para mangaral ng “mabuting balita” doon. Pero si Saul ay pumunta sa ibang lunsod para hanapin ang mga tagasunod ni Jesus. Papunta na siya sa Damasco. Pero habang nasa daan, kagilagilalas ang nangyari!

Biglang sumiklab sa palibot ni Saul ang liwanag mula sa langit. Natumba siya, gaya ng nakikita natin. Isang boses ang nagsabi: ‘Saul, Saul! Bakit mo ako pinahihirapan?’ Ang liwanag ay nakita ng mga kasama ni Saul at narinig nila ang boses, pero hindi nila maunawaan ang sinasabi nito.

‘Sino ka, Panginoon?’ tanong ni Saul.

‘Ako si Jesus, na pinahihirapan mo,’ sagot ng boses. Sinabi ito ni Jesus, kasi kapag pinahihirapan ni Saul ang mga tagasunod ni Jesus, siya mismo ang nasasaktan.

Kaya nagtanong si Saul: ‘Ano ang gagawin ko, Panginoon?’

‘Tumayo ka at pumaroon sa Damasco,’ sabi ni Jesus. ‘Doo’y sasabihin sa iyo kung ano ang gagawin mo.’ Nang idilat ni Saul ang kaniyang mga mata, natuklasan niya na siya’y bulag! Kaya siya ay kinailangang akayin ng kaniyang mga kasama patungong Damasco.

Nakipag-usap si Jesus sa isa niyang alagad sa Damasco na si Ananias. Pinapunta niya ito sa tinutuluyan ni Saul. ‘Pinili ko siya para maging aking pantanging lingkod,’ sabi ni Jesus kay Ananias.

Sumunod si Ananias. Nasumpungan niya si Saul at ipinatong niya ang kaniyang kamay dito at sinabi: ‘Isinugo ako ng Panginoon para makakita ka uli at malipos ka ng banal na espiritu.’ Agad-agad, nakakita na uli si Saul.

Si Saul ay ginamit sa makapangyarihang paraan upang mangaral sa maraming bansa. Nakilala siya bilang si apostol Pablo, at marami pa tayong matututuhan tungkol sa kaniya. Pero, tingnan muna natin kung ano ang ipinapagawa ng Diyos kay Pedro.

Gawa 8:1-4; 9:1-20; 22:6-16; 26:8-20.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share