Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 115
  • Bagong Paraiso sa Lupa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bagong Paraiso sa Lupa
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang Bubuhaying Muli? Saan Sila Titira?
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • “Magkita-kita Tayo sa Paraiso!”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Pagkaraan ng Armahedon, Isang Paraisong Lupa
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 115

KUWENTO 115

Bagong Paraiso sa Lupa

TINGNAN mo ang malalaking puno, magagandang bulaklak at matataas na bundok. Eto ang usa na kumakain sa palad ng maliit na bata. At eto ang mga leon at kabayo na nasa damuhan. Ayaw mo bang tumira sa isang lugar na gaya nito?

Gusto ng Diyos na mabuhay ka sa lupa magpakailanman sa paraiso. Ganito ang pangako ng Bibliya sa mga mabubuhay sa bagong paraiso: ‘Ang Diyos ay sasa-kanila. Wala ng kamatayan, pagtangis, o hirap. Ang mga lumang bagay ay wala na.’

Titiyakin ni Jesus na ang kamangha-manghang pagbabagong ito ay magaganap. Alam mo ba kung kailan? Oo, pagkatapos niyang linisin ang lahat ng kasamaan at masasamang tao sa lupa. Natatandaan mo ba kung papaano nagpagaling at bumuhay ng patay si Jesus? Ipinakikita lang niya ang kaniyang gagawin kapag siya ang naging Hari sa Kaharian ng Diyos.

Hindi ba magiging kasiya-siya na mabuhay sa lupa sa bagong paraiso na ito? Si Jesus, kasama ang kaniyang mga pinili, ay maghahari sa langit. Titiyakin nila na lahat ng nasa lupa ay maligaya. Tingnan natin kung ano ang dapat nating gawin para payagan tayo ng Diyos na mabuhay sa bagong paraiso.

Apocalipsis 21:3, 4; 5:9, 10; 14:1-3.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share