Ang Lupa’y Pinagpapala ng Makalangit na Hari
41 Ginawa ni Jehova si Jesus na Hari sa langit.—Isaias 9:6; Daniel 7:13, 14; Gawa 2:32-36
42 Maghahari siya sa buong lupa.—Daniel 7:14; Mateo 28:18
43 Natatandaan mo ba kung ano ang mangyayari sa masasama?—Awit 37:9, 10; Lucas 13:5
44 Natatandaan mo ba ang pangalan ng unang anghel na nagkasala? Siya at ang iba pang masasamang anghel ay aalisin ni Jesus. Lilipulin ang kanilang mga idolo at imahen.—Hebreo 2:14; Apocalipsis 20:2, 10
45 Gagawa si Jesus ng maraming kabutihan para sa mga masunurin.—Hebreo 5:9
46 Wala nang magkakasakit.—Isaias 33:24; Apocalipsis 22:1, 2
Natatandaan mo ba kung paano pinagaling ni Jesus ang mga maysakit?
47 Lahat ay magkakaroon ng mabubuting bagay.—Isaias 65:17, 21-23
48 Naaalaala ng Diyos pati mga taong namatay na. Sa pamamagitan ni Jesus ay kaniyang bubuhayin sila. Ito ang pagkabuhay mag-uli.—Juan 5:28, 29; 11:25
49 Pagka lipól na ang lahat ng masasama, wala nang mamamatay. Kahit ang maiilap na hayop ay babait na. Lahat ay liligaya magpakailanman.—Apocalipsis 21:4; Isaias 65:25; Awit 37:11, 29