Awit 105
Ibunyi ang Panganay ni Jehova!
1. Ibunyi Panganay ng Diyos
—Ang Tagapagmana—
Simula nang siya ay lalangin,
Sa Diyos tumalima.
Lahat ay kanyang ginawa
Sa langit at lupa,
Tagapagsalita siya
Ng Diyos na Jehova.
2. Bagama’t nasa anyong Diyos,
Hindi naging sakim;
Hindi nag-imbot makapantay
Ng Diyos maibigin.
Pakumbaba siyang nanaog,
Nakitulad sa ’tin.
Diyos pinagbangong-puri’t
Buhay ating kamtin.
3. Si Jesus ay itinanghal
Ng Diyos sa Kaharian,
Nang maging kanang kamay ng Diyos,
Ngala’y parangalan.
Sa Armahedong digmaan,
Lipol ang kaaway;
Matwid ipaglalaban,
Matatamo’y buhay.
4. Ibunyi Panganay ng Diyos!
Kaharia’y ibunyag.
Ipangaral sa bahay-bahay,
Tunay na liwanag.
’Pakita sa mga iba
Ang dapat na gawin.
Ibunyi ang Panganay,
Iba pa’y himukin.