Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rs p. 31-p. 34
  • Apostasiya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Apostasiya
  • Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Kaparehong Materyal
  • Apostasya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • ‘Huwag Madaling Matitinag sa Inyong Pag-iisip’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Matapat na Magpasakop sa Makadiyos na Awtoridad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Kora
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
rs p. 31-p. 34

Apostasiya

Kahulugan: Ang apostasiya ay ang pagtalikod o paghiwalay sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos, sa aktuwal ay isang paghihimagsik laban sa Diyos na Jehova. Inaangkin ng ibang mga apostata na sila’y kumikilala at naglilingkod sa Diyos subali’t tinatanggihan naman nila ang mga turo o kahilingan na isinasaad sa kaniyang Salita. Inaangkin ng iba na sila’y naniniwala sa Bibliya subali’t tinatanggihan nila ang organisasyon ni Jehova.

Dapat ba nating asahan na may mga apostatang babangon sa gitna ng kongregasyong Kristiyano?

1 Tim. 4:1: “Nguni’t, hayag na sinasabi ng kinasihang mga kapahayagan na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya at mangakikinig sa mapandayang mga kinasihang kapahayagan at sa mga aral ng mga demonyo.”

2 Tes. 2:3: “Huwag kayong padaya kaninoman sa anomang paraan, sapagka’t [ang araw ni Jehova] ay hindi darating, malibang dumating muna ang pagtaliwakas at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan.”

Ilang tanda na pagkakakilanlan sa mga apostata​—

Sinisikap nilang gawing tagasunod ang iba, sa gayo’y lumilikha ng mga sektang nagkakabahabahagi

Gawa 20:30: “Magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama upang makahikayat ng mga alagad sa kanilang hulihan.”

2 Ped. 2:1, 3: “Sa inyo’y magkakaroon din naman ng mga bulaang guro. Sila’y lihim na magpapasok ng nagpapahamak na mga sekta at itatatwa pati ang may-ari na bumili sa kanila . . . At sa kasakiman ay kakasangkapanin kayo sa pamamagitan ng mga pakunwaring salita.”

Maaari silang mag-angkin na sila’y sumasampalataya kay Kristo subali’t minamaliit ang gawaing pangangaral at pagtuturo na iniatas niya sa kaniyang mga tagasunod

Luc. 6:46: “Bakit nga ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon! Panginoon!’ gayong hindi naman ninyo ginagawa ang mga bagay na sinasabi ko?”

Mat. 28:19, 20: “Humayo nga kayo at gawing alagad ang mga tao sa lahat ng bansa, na binabautismuhan sila . . . na tinuturuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.”

Mat. 24:14: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.”

Inaangkin nilang sila’y naglilingkod sa Diyos subali’t tinatanggihan ang kaniyang mga kinatawan, ang kaniyang nakikitang organisasyon

Jud. 8, 11: “Ang mga lalaki rin namang ito, palibhasa’y mga mapangarapin, ay nagpaparumi sa laman at hinahamak ang pagkapangulo at lumalait sa mga maluluwalhati. Sa aba nila, sapagka’t sila’y napahamak sa mapanghimagsik na pagsasalita ni Kore!”

Bil. 16:1-3, 11, 19-21: “Si Kore . . . ay tumindig, na kasama ng . . . dalawang daan at limampung anak ni Israel, mga pinuno sa kapulungan . . . Kaya’t sila’y nangagpisan laban kina Moises at Aaron at nagsabi sa kanila: ‘Tumigil na kayo, hindi ba’t ang buong kapisanan ay pawang mga banal at si Jehova ay nasa gitna nila? Bakit ba ninyo itinatanghal ang inyong mga sarili sa kapisanan ni Jehova?’ . . . [Sinabi ni Moises:] ‘Ikaw at ang iyong buong pulutong ay nangagpipisan laban kay Jehova. At si Aaron, ano nga’t siya’y inyong inuupasala?’ Nang mapisan ni Kore ang buong kapulungan laban sa kanila sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, ay lumitaw ang kaluwalhatian ni Jehova sa buong kapulungan. Si Jehova ay nagsalita kina Moises at Aaron, na nagsabi: ‘Magsihiwalay kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang sila’y aking malipol sa isang iglap.’ ”

Hindi lamang nila tinatalikdan ang tunay na pananampalataya kundi kanila pang “binubugbog” ang dati nilang mga kasamahan sa pamamagitan ng pangmadlang pagkutya at iba pang paraan upang hadlangan ang gawain ng mga ito; ang pagsisikap ng gayong mga apostata ay nakatuon sa pagwasak, hindi sa pagtatayo

Mat. 24:45-51: “Sino nga baga ang tapat at matalinong alipin na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sambahayan, upang sila’y bigyan ng pagkain sa kapanahunan? . . . Datapuwa’t kung ang masamang alipin ay nagsabi sa kaniyang puso, ‘Magtatagal ang aking panginoon,’ at magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo, darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya’y parurusahan nang napakabigat at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw.”

2 Tim. 2:16-18: “Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan na salungat sa mga bagay na banal; sapagka’t sila’y lalong magpapatuloy sa higit at higit pang kasamaan, at ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena. Sina Himeneo at Fileto ay kabilang sa mga ito. Ang mga lalaking ito’y nangasinsay sa katotohanan, na nagsasabing ang pagkabuhay-muli ay naganap na; at winawasak ang pananampalataya ng iba.”

Dapat bang tanggapin ng mga Kristiyano ang mga apostata sa gitna nila, maging sa personal o sa pagbabasa ng kanilang mga lathalain?

2 Juan 9, 10: “Ang sinomang nagpapauna at hindi nananatili sa aral ni Kristo ay hindi kinaroroonan ng Diyos. . . . Kung sa inyo’y dumating ang sinoman at hindi dala ang aral na ito, ay huwag na huwag ninyong tatanggapin sa inyong bahay ni babatiin man siya.”

Roma 16:17, 18: “Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng mga pagkakabahabahagi at ng mga dahilan ng pagkakatisod na laban sa aral na inyo nang natutuhan, at kayo’y magsilayo sa kanila. . . . Sa pamamagitan ng kanilang matamis na pananalita at may-pagpuring mga talumpati ay dinadaya nila ang puso ng mga walang malay.”

May ibubunga bang malubhang pinsala kung ang isa’y mag-uusisa sa paniwala ng mga apostata?

Kaw. 11:9: “Sa pamamagitan ng kaniyang bibig ay ipinapahamak ng apostata ang kaniyang kapuwa.”

Isa. 32:6: “Ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay kakatha ng kapinsalaan, upang magsagawa ng apostasiya at upang magsalita ng may kamalian laban kay Jehova, upang walang makain ang kaluluwa ng nagugutom, at upang ang nauuhaw ay walang mainom.” (Ihambing ang Isaias 65:13, 14.)

Gaano kaselang ang apostasiya?

2 Ped. 2:1: “Sila’y lihim na magpapasok ng nagpapahamak na mga sekta at itatatwa pati ang may-ari na bumili sa kanila, sa gayo’y dinudulutan ang kanilang sarili ng biglang pagkawasak.”

Job 13:16: “Sa harapan niya [ng Diyos] ay walang makalalapit na apostata.”

Heb. 6:4-6: “Sapagka’t tungkol sa mga minsang naliwanagan, at nakalasap ng walang bayad na kaloob ng kalangitan, at nangakabahagi na ng banal na espiritu, at nakalasap ng mabuting salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng dumarating na pamamalakad ng mga bagay, at saka nahiwalay sa Diyos [“at saka magkasala ng apostasiya,” RS], ay hindi na sila maaaring akaying muli sa pagsisisi, sapagka’t kanilang ipinapakong muli ang Anak ng Diyos ukol sa ganang kanilang sarili at inilalagay na muli siya sa pangmadlang kahihiyan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share