Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rs p. 315-p. 316
  • Mga Panaginip

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Panaginip
  • Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Panaginip ba ay mga Mensahe Mula sa Diyos?
    Gumising!—2001
  • Panaginip
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Panaginip Mula sa Diyos
    Gumising!—2014
  • Kailangan Tayong Managinip
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
rs p. 315-p. 316

Mga Panaginip

Kahulugan: Mga pag-iisip o mga larawang pangkaisipan ng tao habang natutulog. Ang Bibliya ay bumabanggit ng likas na mga panaginip, mga panaginip mula sa Diyos, at mga panaginip na nagsasangkot ng panghuhula.​—Job 20:8; Bil. 12:6; Zac. 10:2.

Ang mga panaginip ba’y may pantanging kahulugan sa ating kapanahunan?

Ano ang natuklasan ng mga mananaliksik tungkol sa mga panaginip?

“Lahat ay nananaginip,” sabi ng The World Book Encyclopedia (1984, Tomo 5, p. 279). “Karamihan ng mga nasa hustong gulang ay nananaginip ng mga 100 minuto sa loob ng walong oras na pagtulog.” Kaya ang mga panaginip ay normal na karanasan ng tao.

Sinabi ni Dr. Allan Hobson, ng Harvard Medical School: “Ang mga ito ay mga pampasigla na walang tiyak na kahulugan at na maaaring ipaliwanag ng isang manggagamot sa alinmang paraan na kinahihiligan niya. Subali’t ang kahulugan nito ay nasa mata ng nakakakita​—wala sa mismong panaginip.” Nang iniuulat ito, ganito ang idinagdag ng seksiyong “Science Times” ng The New York Times: “Sa grupo na nag-uukol ng malaking pagpapahalaga sa mga panaginip, may iba’t-ibang paraan ng pagtuklas sa sikolohikal na mensahe ng isang panaginip, at bawa’t isa ay nagpapaaninaw ng magkakaibang teoretikong pangmalas. Ang isang tagasunod ni Freud ay makakasumpong ng isang uri ng kahulugan sa isang panaginip, samantalang iba naman ang matutuklasan ng isang tagasunod ni Jung, at ang isang nagtuturo ayon kay Gestalt ay makakasumpong ng iba pa ring kahulugan. . . . Subali’t tumanggap ng mahigpit na pag-atake mula sa mga neuroscientist ang paniwala na ang mga panaginip ay may tunay ngang sikolohikal na kahulugan.”​—Hulyo 10, 1984, p. C12.

Ang mga panaginip na waring naghahatid ng pantanging kaalaman ay maaari kayang magbuhat sa isang pinagmulan maliban sa Diyos?

Jer. 29:8, 9: “Ganito ang sinabi . . . ni Jehova ng mga hukbo: ‘Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa mga panaginip na kanilang napapanaginip. Sapagka’t “sila’y nanghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan. Hindi ko sila sinugo,” sabi ni Jehova.’ ”

Sinasabi sa atin ng Harper’s Bible Dictionary: “Gayon na lamang ang pagtitiwala ng mga taga-Babilonya sa mga panaginip anupa’t kung sa kinabukasan sila’y gagawa ng mahahalagang pasiya, sa gabing yao’y natutulog sila sa mga templo, sa pag-asang tumanggap ng payo. Ang mga Griyego na naghahangad ng tagubilin hinggil sa kanilang kalusugan ay natutulog sa mga dambana ni Aesculapio [na ang sagisag ay isang ahas], at ang mga Romano nama’y sa mga templo ni Serapis [na madalas iniuugnay sa isang nakapulupot na ahas]. Ang mga taga-Ehipto ay sumulat ng makakapal na aklat na nagpapaliwanag sa mga panaginip.”​—(Nueba York, 1961), Madeleine Miller at J. Lane Miller, p. 141.

Noong nakaraan ay gumamit ang Diyos ng mga panaginip upang magbigay ng mga babala, tagubilin, at hula, subali’t ganito ba niya inaakay ang kaniyang bayan sa ngayon?

Ang mga pagtukoy hinggil sa mga panaginip na nagbubuhat sa Diyos ay masusumpungan sa Mateo 2:13, 19, 20; 1 Hari 3:5; Genesis 40:1-8.

Heb. 1:1, 2: “Ang Diyos, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t-ibang panahon at sa iba’t-ibang paraan [pati na sa panaginip] sa pamamagitan ng mga propeta, ay nagsasalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan ng kaniyang Anak [si Jesu-Kristo, na ang mga turo ay iniuulat sa Bibliya].”

1 Cor. 13:8: “Maging ang mga kaloob ng panghuhula [at madalas na ang Diyos ay nagpahatid ng mga hula sa kaniyang mga lingkod sa pamamagitan ng mga panaginip], ay mangawawala.”

2 Tim. 3:16, 17: “Lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan din naman sa pagtuturo . . . upang ang tao ng Diyos ay magkaroon ng ganap na kakayahan, lubusang nasasangkapan sa lahat ng gawang mabuti.”

1 Tim. 4:1: “Nguni’t, hayag na sinasabi ng kinasihang mga kapahayagan na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya at mangakikinig sa mapandayang mga kinasihang kapahayagan [na madalas ihatid sa pamamagitan ng panaginip] at sa mga aral ng mga demonyo.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share