Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • gt kab. 16
  • Sigasig sa Pagsamba kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sigasig sa Pagsamba kay Jehova
  • Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Sigasig ni Jesus Para sa Tunay na Pagsamba
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Capernaum
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kung Bakit Naparito si Jesus sa Lupa
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Nilinis ni Jesus ang Templo
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
gt kab. 16

Kapitulo 16

Sigasig sa Pagsamba kay Jehova

ANG mga kapatid ni Jesus sa ina​—ang ibang mga anak ni Maria—​ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas. Bago ang mga ito’y maglakbay kasama ni Jesus at ng kaniyang mga alagad patungo sa Capernaum, isang lunsod malapit sa Dagat ng Galilea, marahil ay huminto muna sila sa kanilang bahay sa Nasaret upang ang pamilya ay makapagbalot ng kanilang mga bagay na kakailanganin.

Subalit bakit patutungo si Jesus sa Capernaum sa halip na ipagpatuloy ang kaniyang ministeryo sa Cana, sa Nasaret, o sa ibang lugar sa mga burol ng Galilea? Una sa lahat, ang Capernaum ay higit na kilala at maliwanag na mas malaking lunsod. Isa pa, karamihan ng mga bagong kasamang alagad ni Jesus ay nakatira sa Capernaum o malapit doon, kung kaya hindi na kakailanganing umalis sila sa kanilang tahanan upang tumanggap ng mga pagsasanay mula sa kaniya.

Sa panahon ng kaniyang pananatili sa Capernaum, si Jesus ay gumawa ng kamangha-manghang mga gawa, gaya ng kaniyang pinatotohanan makaraan ang ilang buwan. Ngunit di-nagluwat si Jesus at ang kaniyang mga kasama ay muli na namang nasa lansangan. Noon ay tagsibol, at sila’y patungo sa Jerusalem upang dumalo sa Paskuwa ng 30 C.E. Samantalang naroroon, nakita ng mga alagad ang isang bagay tungkol kay Jesus na malamang ngayon lamang nila nakita.

Sang-ayon sa Batas ng Diyos, ang mga Israelita ay kinakailangang maghandog ng mga hayop. Kaya, para maging madali sa kanila, ang mga mangangalakal sa Jerusalem ay nagbili ng mga hayop o mga ibon para sa layuning ito. Subalit doon mismo sa loob ng templo sila nagbibili, at dinaraya nila ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapabayad nang malaki.

Dahil sa matinding galit, hinampas ni Jesus ng lubid ang mga nagbibili at sila’y itinaboy sa labas. Isinabog niya ang mga barya ng mga mámamálit ng salapi at itinaob ang kanilang mga mesa. “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito!” ang kaniyang sigaw sa mga nagbibili ng kalapati. “Huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal!”

Nang makita ito ng mga alagad ni Jesus, naalaala nila ang hula tungkol sa Anak ng Diyos: “Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay.” Ngunit nagtanong ang mga Judio: “Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?” Sumagot si Jesus: “Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw.”

Ipinagpalagay ng mga Judio na ang tinutukoy ni Jesus ay literal na templo, at sa gayo’y nagtanong sila: “Apatnapu’t anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo mo ito sa tatlong araw?” Gayunman, ang tinutukoy ni Jesus ay ang templo ng kaniyang katawan. At pagkaraan ng tatlong taon, naalaala ng kaniyang mga alagad ang pananalita niyang ito nang siya’y ibangon muli mula sa mga patay. Juan 2:12-22; Mateo 13:​55; Lucas 4:23.

▪ Pagkaraan ng kasalan sa Cana, saan-saang dako naglakbay si Jesus?

▪ Bakit nagalit si Jesus, at ano ang kaniyang ginawa?

▪ Ano ang naalaala ng mga alagad ni Jesus nang makita nila ang kaniyang ginawa?

▪ Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa “templong ito,” at ano ang ibig niyang sabihin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share