Ang Daigdig ng mga Patriyarka
PINASIMULAN ni Esteban ang isang bantog na talumpati sa pamamagitan ng pagbanggit sa ilang aktuwal na mga heograpikong lugar: ‘Si Jehova ay nagpakita sa ating ninunong si Abraham samantalang siya ay nasa Mesopotamia, bago siya nanahanan sa Haran, at sinabi niya sa kaniya, “Pumaroon ka sa lupain na ipakikita ko sa iyo.” ’ (Gaw 7:1-4) Ito’y umakay sa mahahalagang pangyayari sa Lupang Pangako na nagsasangkot kina Abraham, Isaac, at Jacob, mga pangyayaring may kaugnayan sa layunin ng Diyos na pagpalain ang sangkatauhan.—Gen 12:1-3; Jos 24:3.
Tinawag ng Diyos si Abraham (o, Abram) mula sa Ur ng mga Caldeo, isang maunlad na lunsod na matatagpuan sa silangang pampang ng Ilog Eufrates. Anong ruta kaya ang daraanan ni Abraham? Mula sa Caldea, isang rehiyon na tinatawag ding Sumer o Sinar, parang mas madali pang dumeretso pakanluran. Bakit pa siya sa hilaga daraan patungong Haran?
Ang Ur ay nasa dulong silangan ng Fertile Crescent, korteng hating-bilog na umaabot mula Palestina hanggang sa lunas ng mga ilog ng Tigris at ng Eufrates. Maaaring ang lugar na ito ay dating may mas katamtamang klima. Sa gawing ibaba naman ng kurba ng crescent naroroon ang Disyerto ng Sirya-Arabia, na kakikitaan ng mabatong-apog na mga burol at mabuhanging kapatagan. Sinasabi sa The Encyclopædia Britannica na ito’y “halos di-mapapasok na hangganan” sa pagitan ng Baybayin ng Mediteraneo at ng Mesopotamia. Ang ilang pangkat ng mga manlalakbay ay maaaring tumawid sa Eufrates hanggang Tadmor at pagkatapos ay sa Damasco, pero hindi idinaan ni Abraham ang kaniyang pamilya at ang kaniyang mga kawan sa ilang na ito.
Sa halip, umahon si Abraham sa libis ng Ilog Eufrates patungong Haran. Mula roon ay mababagtas niya ang ruta ng kalakalan tungo sa isang mababaw na tawiran sa Carkemis at pagkatapos ay magtutungo sa gawing timog na dumaraan sa Damasco hanggang sa lugar na tinawag na Dagat ng Galilea. Ang Via Maris, o “Ang Daan ng Dagat,” ay bumabagtas sa Megido patungong Ehipto. Gayunman, si Abraham ay naglakbay sa kabundukan ng Samaria at nang dakong huli ay nagtayo ng mga tolda sa Sikem. Nang maglaon, nagpatuloy siya patimog sa bulubunduking rutang iyon. Sundan mo siya habang binabasa mo ang Genesis 12:8–13:4. Pansinin ang iba pang lugar na naging bahagi ng kaniyang sari-saring karanasan: Dan, Damasco, Hoba, Mamre, Sodoma, Gerar, Beer-sheba, at Moria (Jerusalem).—Gen 14:14-16; 18:1-16; 20:1-18; 21:25-34; 22:1-19.
Ang pagkakaroon ng unawa sa ilang bagay sa heograpiya ay nagbibigay ng karagdagang liwanag sa mga pangyayari sa buhay nina Isaac at Jacob. Halimbawa, nang si Abraham ay nasa Beer-sheba, saan niya pinapunta ang kaniyang lingkod upang humanap ng isang asawa para kay Isaac? Pahilaga patungong Mesopotamia (nangangahulugang, “Lupain sa Pagitan ng mga Ilog”) hanggang Padan-aram. Pagkatapos ay gunigunihin ang napakahirap na paglalakbay ni Rebeka sakay ng kamelyo patungong Negeb, marahil malapit sa Kades, para katagpuin si Isaac.—Gen 24:10, 62-64.
Nang maglaon, gumawa rin ng katulad na mahabang paglalakbay ang kanilang anak na si Jacob (Israel) para pakasalan ang isang mananamba ni Jehova. Medyo ibang ruta naman ang dinaanan ni Jacob pabalik sa kanilang lupain. Pagkatawid niya sa Jabok malapit sa Penuel, nakipagbuno si Jacob sa isang anghel. (Gen 31:21-25; 32:2, 22-30) Kinatagpo siya ni Esau sa lugar na iyon, at pagkatapos ay naghiwalay ang dalawa upang manirahan sa magkaibang rehiyon.—Gen 33:1, 15-20.
Matapos halayin sa Sikem ang anak na babae ni Jacob na si Dina, lumipat si Jacob sa Bethel. Subalit, naguguniguni mo ba kung gaano kalayo ang pinuntahan ng mga anak ni Jacob upang pastulan ang kaniyang kawan at kung saan sila natagpuan ni Jose nang dakong huli? Ang mapang ito (at ang pahina 18-19) ay maaaring tumulong sa iyo na makita ang distansiya sa pagitan ng Hebron at Dotan. (Gen 35:1-8; 37:12-17) Si Jose ay ipinagbili ng kaniyang mga kapatid sa mga mangangalakal na patungong Ehipto. Anong ruta sa palagay mo ang dinaanan nila na nang dakong huli ay umakay sa paglipat ng mga Israelita sa Ehipto at sa Pag-alis mula rito?—Gen 37:25-28.
[Mga mapa sa pahina 7]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Mga Paglalakbay ni Abraham (tingnan ang publikasyon)
Mga Paglalakbay ni Isaac (tingnan ang publikasyon)
Mga Paglalakbay ni Jacob (tingnan ang publikasyon)
Mga Pangunahing Lansangan (tingnan ang publikasyon)
Mga Patriyarka (overview)
A4 GOSEN
A5 EHIPTO
B4 SUR
B5 PARAN
C3 Damasco
C3 Dan (Lais)
C4 Sikem
C4 Bethel
C4 Hebron (Kiriat-arba)
C4 Gerar
C4 Beer-sheba
C4 SEIR
C4 Kades
C5 EDOM
D1 Carkemis
D2 Tadmor
D3 Hoba
E1 PADAN-ARAM
E1 Haran
F2 MESOPOTAMIA
G1 Nineve
G2 FERTILE CRESCENT
G3 Babilonya
H4 CALDEA
H4 Ur
[Kabundukan]
C4 Moria
[Katubigan]
B3 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)
[Mga ilog]
E2 Eufrates
G2 Tigris
Mga Patriyarka (sa Lupang Pangako)
CANAAN
Megido
GILEAD
Dotan
Sikem
Sucot
Mahanaim
Penuel
Bethel (Luz)
Ai
Jerusalem (Salem)
Betlehem (Eprat)
Mamre
Hebron (Macpela)
Gerar
Beer-sheba
Sodoma?
NEGEB
Rehobot?
Beer-lahai-roi
Kades
Mga Pangunahing Lansangan
Via Maris
Daan ng Hari
[Kabundukan]
Moria
[Katubigan]
Dagat Asin
[Mga ilog at sapa]
Jabok
Jordan
[Larawan sa pahina 6]
Ang Ilog Eufrates malapit sa Babilonya
[Larawan sa pahina 6]
Si Abraham ay nanirahan sa Beer-sheba at nagpastol ng kawan sa karatig na lugar
[Larawan sa pahina 6]
Agusang libis ng Jabok