Ang Israel at ang Nakapaligid na mga Bansa
SINABI ni Jehova kay Abraham: ‘Lumabas ka mula sa Ur sa Mesopotamia patungo sa lupain na ipakikita ko sa iyo.’ Ang lupaing iyon ay tinatahanan at napaliligiran ng ibang mga bansa.—Gen 12:1-3; 15:17-21.
Sa pag-alis ng bayan ng Diyos sa Ehipto, batid nila na posibleng makasagupa nila ang mga kaaway, gaya ng “mga makapangyarihang pinuno ng Moab.” (Exo 15:14, 15) Ang mga Amalekita, Moabita, Ammonita, at Amorita ay madaraanan ng Israel patungong Lupang Pangako. (Bil 21:11-13; Deu 2:17-33; 23:3, 4) At makakasagupa ng mga Israelita ang iba pang kaaway na bansa sa lupaing ipinangako sa kanila ng Diyos.
Sinabi ng Diyos na “aalisin” ng Israel ang pitong “mataong mga bansa”—ang mga Hiteo, Girgasita, Amorita, Canaanita, Perizita, Hivita, at Jebusita—na karapat-dapat sa pagkapuksa. Mababa ang kanilang moral at tiwali ang kanilang relihiyon. Kabilang sa kanilang mga diyos sina Baal (napabantog dahil sa mga haliging bato na inanyuang gaya ng ari ng lalaki), Molec (pinaghahainan ng mga bata), at ang diyosa ng pag-aanak na si Astoret (Astarte).—Deu 7:1-4; 12:31; Exo 23:23; Lev 18:21-25; 20:2-5; Huk 2:11-14; Aw 106:37, 38.
Kung minsan, ang buong lugar na ibinibigay ng Diyos sa Israel ay tinatawag na “Canaan,” mula sa hilaga ng Sidon hanggang sa “agusang libis ng Ehipto.” (Bil 13:2, 21; 34:2-12; Gen 10:19) May mga pagkakataon naman na binabanggit sa Bibliya ang mga pangalan ng iba’t ibang bansa, estadong-lunsod, o mga mamamayan sa lupaing iyon. Ang ilan ay may partikular na mga lokasyon, gaya ng mga Filisteo na nasa baybayin at mga Jebusita na nasa bulubunduking malapit sa Jerusalem. (Bil 13:29; Jos 13:3) Ang iba naman ay lumipat sa ibang lugar o teritoryo sa paglipas ng panahon.—Gen 34:1, 2; 49:30; Jos 1:4; 11:3; Huk 1:16, 23-26.
Noong panahon ng Pag-alis ng mga Israelita, ang mga Amorita ang malamang na siyang pinakamalakas na tribo.a (Deu 1:19-21; Jos 24:15) Nasakop na nila ang lupain ng mga Moabita pababa sa agusang libis ng Arnon, bagaman ang lugar sa kabilang ibayo ng Jerico ay tinatawag pa ring “mga disyertong kapatagan ng Moab.” Pinamahalaan din ng mga Amoritang hari ang Basan at Gilead.—Bil 21:21-23, 33-35; 22:1; 33:46-51.
Bagaman nasa likod nila ang Diyos, hindi itinaboy ng mga Israelita ang lahat ng hinatulang mga bansa, na naging silo sa Israel sa paglipas ng panahon. (Bil 33:55; Jos 23:13; Huk 2:3; 3:5, 6; 2Ha 21:11) Oo, naging biktima ang mga Israelita sa kabila ng babalang: “Huwag kayong susunod sa ibang mga diyos, alinmang diyos ng mga bayan na nasa buong palibot ninyo.”—Deu 6:14; 13:7.
[Talababa]
a Katulad ng “Canaanita,” ang “Amorita” ay maaaring gamiting panlahatan para sa mga mamamayan ng lupain o maaaring tumukoy sa indibiduwal na tribo.—Gen 15:16; 48:22.
[Mapa sa pahina 11]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Mga Bansang Itataboy Mula sa Lupang Pangako
FILISTIA (D8)
C8 Askelon
C9 Gaza
D8 Asdod
D8 Gat
D9 Gerar
CANAAN (D8)
B10 MGA AMALEKITA
C12 Hazar-addar (Addar?)
C12 Kades (Kades-barnea)
D8 Lakis
D9 Beer-sheba
D10 MGA AMORITA
D11 NEGEB
E4 Dor
E5 Megido
E5 Taanac
E6 Apek
E6 MGA HIVITA
E7 MGA JEBUSITA
E8 Bet-semes
E8 Hebron (Kiriat-arba)
E9 MGA HITEO
E9 Debir
E10 Arad (Canaanita)
E10 MGA KENITA
E11 Akrabim
F4 MGA GIRGASITA
F6 Sikem
F7 MGA PERIZITA
F7 Gilgal
F7 Jerico
F8 Jerusalem
G2 MGA HIVITA
G2 Dan (Lais)
G3 Hazor
FENICIA (F2)
E2 Tiro
F1 Sidon
EDOM (F12)
F11 SEIR
G11 Bozra
MGA AMORITA (SIHON) (G8)
G6 GILEAD
G7 Sitim
G7 Hesbon
G9 Aroer
SIRYA (H1)
G1 Baal-gad
G2 MGA HIVITA
I1 Damasco
MOAB (H10)
MGA AMORITA (OG) (I5)
G6 GILEAD
H3 BASAN
H4 Astarot
H4 Edrei
AMMON (I7)
H7 Raba
[Mga ilang]
H12 DISYERTO NG ARABIA
[Kabundukan]
E4 Bdk. Carmel
E11 Bdk. Hor
G1 Bdk. Hermon
G8 Bdk. Nebo
[Katubigan]
C6 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)
F9 Dagat Asin
G4 Dagat ng Galilea
[Mga ilog at sapa]
B11 A.L. ng Ehipto
F6 Ilog Jordan
G6 A.L. ng Jabok
G9 A.L. ng Arnon
G11 A.L. ng Zered
[Mga larawan sa pahina 10]
Sa kanan: Pinamahalaan ni Haring Og ang Basan, na napabantog dahil sa mga toro at tupa nito
Sa ibaba: Ang Moab, tanaw ang Dagat Asin hanggang sa ilang ng Juda
[Larawan sa pahina 11]
Inutusan ni Jehova ang Israel na itaboy ang mga bansang sumasamba sa huwad na mga diyos, na gaya nina Baal, Molec, at ng diyosa ng pag-aanak na si Astoret (makikita rito)