Si Jesus “sa Lupain ng mga Judio”
SA PAGPAPATOTOO kay Cornelio, binanggit ni apostol Pedro ang ginawa ni Jesus “sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem.” (Gaw 10:39) Anu-anong lugar kaya sa palagay mo ang kabilang sa makasaysayang ministeryo ni Jesus?
Kabilang sa “lupain ng mga Judio” ang Judea, na dito’y gumawa si Jesus ng ilang gawain ng Diyos. (Luc 4:44) Pagkatapos ng kaniyang bautismo, gumugol si Jesus ng 40 araw sa ilang ng Juda (o, Judea), isang medyo tigang at tiwangwang na lugar na madalas puntahan ng mga rebelde at mga bandido. (Luc 10:30) Pagkaraan, naglalakbay noon si Jesus pahilaga mula sa Judea nang magpatotoo siya sa isang Samaritana malapit sa Sicar.—Ju 4:3-7.
Ipinakikita ng pagrerepaso sa Mga Ebanghelyo na si Jesus ay madalas na nasa Galilea. Bagaman pumupunta siya sa timog patungong Jerusalem para sa taunang mga kapistahan, ginugol niya ang malaking bahagi ng unang dalawang taon ng kaniyang ministeryo sa hilagang bahagi ng Lupang Pangako. (Ju 7:2-10; 10:22, 23) Halimbawa, bumanggit siya ng maraming mahahalagang turo at nagsagawa ng kahanga-hangang mga himala habang siya’y malapit o naroroon mismo sa Dagat ng Galilea. Maaalaala na pinatahimik niya ang maalong tubig at lumakad pa nga siya rito. Nangaral siya sa mga tao, mula sa mga bangka, sa mabatong pampang ng dagat na iyon. Ang kaniyang una’t malalapít na tagasunod ay mula sa karatig na mga komunidad na ang hanapbuhay ay pangingisda at pagsasaka.—Mar 3:7-12; 4:35-41; Luc 5:1-11; Ju 6:16-21; 21:1-19.
Ang pinakahimpilan ng ministeryo ni Jesus sa Galilea ay sa Capernaum na nasa tabing-dagat, ang “kaniyang sariling lunsod.” (Mat 9:1) Nasa gilid siya ng isang burol sa di-kalayuan nang ibigay niya ang kaniyang bantog na Sermon sa Bundok. Paminsan-minsan, sumasakay siya sa bangka mula sa lugar ng Capernaum patungo sa Magadan, sa Betsaida, o sa karatig na mga lugar.
Pansinin na ang “sariling lunsod” ni Jesus ay hindi kalayuan sa Nazaret, kung saan lumaki siya; sa Cana, kung saan ginawa niyang alak ang tubig; sa Nain, kung saan ibinangon niya ang anak na lalaki ng isang babaing balo; at sa Betsaida, kung saan makahimalang pinakain niya ang 5,000 lalaki at ibinalik ang paningin ng isang lalaking bulag.
Matapos ang Paskuwa ng 32 C.E., pumunta si Jesus sa hilaga patungong Tiro at Sidon, ang mga daungan ng Fenicia. Pagkatapos ay ipinaabot niya ang kaniyang ministeryo sa ilan sa sampung Hellenikong lunsod na tinatawag na Decapolis. Malapit si Jesus sa Cesarea Filipos (F2) noon nang kilalanin siya ni Pedro bilang ang Mesiyas, at di-nagtagal ay naganap ang pagbabagong-anyo, marahil sa Bundok Hermon. Nang maglaon, nangaral si Jesus sa lugar ng Perea, sa kabilang ibayo ng Jordan.—Mar 7:24-37; 8:27–9:2; 10:1; Luc 13:22, 33.
Ginugol ni Jesus ang kaniyang huling linggo sa lupa, kasama ang kaniyang mga alagad, sa Jerusalem at sa palibot nito, “ang lunsod ng dakilang Hari.” (Mat 5:35) Makikita mo ang karatig na mga lugar na nabasa mo sa Mga Ebanghelyo, gaya ng Emaus, Betania, Betfage, at Betlehem.—Luc 2:4; 19:29; 24:13; tingnan ang “Lugar ng Jerusalem,” na nakasingit sa pahina 18.
[Mapa sa pahina 29]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Lupang Pangako (Panahon ni Jesus)
Ang Lupain Noong Panahon ni Jesus
Mga Lunsod ng Decapolis
E5 Hippo (Hippos)
E6 Pela
E6 Scythopolis
F5 Gadara
F7 Gerasa
G5 Dion
G9 Filadelfia
H1 Damasco
H4 Rafana
I5 Canatha
Mga Pangunahing Lansangan (Tingnan ang publikasyon)
Direktang Ruta sa Pagitan ng Galilea at ng Jerusalem (Tingnan ang publikasyon)
Kahaliling Ruta sa Pagitan ng Galilea at ng Jerusalem, sa Perea (Tingnan ang publikasyon)
A11 Gaza
B6 Cesarea
B8 Jope
B9 Lida
B12 Beer-sheba
C4 Tolemaida
C8 SAMARIA
C8 Antipatris
C8 Arimatea
C9 Emaus
C10 JUDEA
C11 Hebron
C12 IDUMEA
D1 Sidon
D2 Tiro
D3 FENICIA
D4 GALILEA
D4 Cana
D5 Sepphoris
D5 Nazaret
D5 Nain
D7 Samaria
D7 Sicar
D9 Efraim
D9 Betfage
D9 Jerusalem
D9 Betania
D10 Betlehem
D10 Herodium
D10 ILANG NG JUDA
D12 Masada
E4 Corazin
E4 Betsaida
E4 Capernaum
E4 Magadan
E5 Tiberias
E5 Hippo (Hippos)
E6 Betania? (kabilang ibayo ng Jordan)
E6 Scythopolis
E6 Pela
E6 Salim
E6 Enon
E9 Jerico
F1 ABILINIA
F2 Cesarea Filipos
F4 Gamala
F5 Abila?
F5 Gadara
F7 PEREA
F7 Gerasa
G3 ITUREA
G5 Dion
G6 DECAPOLIS
G9 Filadelfia
H1 Damasco
H3 TRACONITE
H4 Rafana
H12 ARABIA
I5 Canatha
[Kabundukan]
D7 Bdk. Ebal
D7 Bdk. Gerizim
F2 Bdk. Hermon
[Katubigan]
B6 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)
E4 Dagat ng Galilea
E10 Dagat Asin (Dagat na Patay)
[Mga ilog]
E7 Ilog Jordan
[Mga bukal at mga balon]
D7 Bukal ni Jacob
[Larawan sa pahina 28]
Dagat ng Galilea. Nasa bukana sa kaliwa ang Capernaum. Ang tanawin ay sa timog-kanluran sa kabilang ibayo ng Kapatagan ng Genesaret
[Larawan sa pahina 28]
Sumasamba ang mga Samaritano sa Bundok Gerizim. Nasa likuran ang Bundok Ebal