Ang Jerusalem at ang Templong Madalas Puntahan ni Jesus
DI-NAGTAGAL pagkasilang kay Jesus, isinama siya nina Jose at Maria sa lunsod na pinaglagyan ng kaniyang makalangit na Ama ng Kaniyang pangalan—ang Jerusalem. (Luc 2:22-39) Sa edad 12, naroroon muli si Jesus, para sa Paskuwa. Namangha sa kaniya ang mga guro sa templo dahil sa kaniyang unawa. (Luc 2:41-51) Ang paggawa sa mga gusaling ito sa templo, na bahagi ng programa ng pagtatayo ni Herodes na Dakila, ay nagpatuloy sa loob ng “apatnapu’t anim na taon.”—Ju 2:20.
Sa panahon ng kaniyang ministeryo, si Jesus ay dumadalo sa mga kapistahan sa Jerusalem, kung saan madalas niyang tinuturuan ang mga pulutong. Dalawang ulit niyang pinalayas ang mga tagapagpalit ng salapi at ang mga mangangalakal mula sa looban ng templo.—Mat 21:12; Ju 2:13-16.
Sa gawing hilaga ng templo, sa tipunang-tubig ng Betzata, pinagaling ni Jesus ang isang lalaking 38 taon nang nagdurusa. Binigyan din ng Anak ng Diyos ng paningin ang isang lalaking bulag, anupat sinabihan ito na maghugas sa tipunang-tubig ng Siloam sa timugang bahagi ng lunsod.—Ju 5:1-15; 9:1, 7, 11.
Madalas dalawin ni Jesus ang kaniyang mga kaibigang sina Lazaro, Maria, at Marta sa Betania, “mga tatlong kilometro” sa silangan ng Jerusalem. (Ju 11:1, 18, New World Translation of the Holy Scriptures—With References, talababa; 12:1-11; Luc 10:38-42; 19:29; tingnan ang “Lugar ng Jerusalem,” pahina 18.) Mga ilang araw bago siya mamatay, dumaan si Jesus sa Bundok ng mga Olibo patungong Jerusalem. Gunigunihin nang siya’y huminto upang tanawin ang lunsod sa gawing kanluran at tangisan niya ito. (Luc 19:37-44) Maaaring ang natanaw niya ay kagaya ng makikita mo sa itaas ng susunod na pahina. Pagkaraan ay pumasok siya sa Jerusalem sakay ng bisiro ng isang asno, na malamang na ang pinasukan ay yaong isa sa pintuang-daan sa silangan. Ipinagbunyi siya ng karamihan bilang ang magiging Hari ng Israel.—Mat 21:9-12.
Ang ilang mahahalagang pangyayari bago mamatay si Jesus ay naganap sa mga lugar sa loob o sa karatig ng Jerusalem: ang hardin ng Getsemani, kung saan nanalangin si Jesus; ang bulwagan ng Sanedrin; ang bahay ni Caifas; ang palasyo ni Gobernador Pilato at, nang dakong huli, ang Golgota.—Mar 14:32, 53–15:1, 16, 22; Ju 18:1, 13, 24, 28.
Matapos siyang buhaying muli, si Jesus ay nagpakita sa loob at sa palibot ng Jerusalem. (Luc 24:1-49) Pagkatapos ay umakyat na siya sa langit mula sa Bundok ng mga Olibo.—Gaw 1:6-12.
[Dayagram sa pahina 31]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Jerusalem/Templo ni Herodes
Mga Bahagi ng Templo
1. Kabanal-banalan
2. Banal
3. Altar Para sa Handog na Sinusunog
4. Binubong Dagat
5. Looban ng mga Saserdote
6. Looban ng Israel
7. Looban ng mga Babae
8. Looban ng mga Gentil
9. Harang (Soreg)
10. Kolonada ng mga Maharlika
11. Kolonada ni Solomon
TEMPLO
Pintuang-daan
Looban ng mga Saserdote
Pintuang-daan
Kabanal-banalan
Altar Para sa Handog na Sinusunog
Banal
Looban ng Israel
Looban ng mga Babae
Binubong Dagat
Pintuang-daan
Kolonada ni Solomon
Harang (Soreg)
Looban ng mga Gentil
Pintuang-daan
Kolonada ng mga Maharlika
Pintuang-daan
Tore ng Antonia
Tulay
Bulwagan ng Sanedrin?
LIBIS NG TYROPOEON
Tipunang-tubig ng Siloam
Paagusan
Bahay ni Caifas?
Palasyo ng Gobernador
Golgota?
Golgota?
Tipunang-tubig ng Betzata
Hardin ng Getsemani?
BUNDOK NG MGA OLIBO
LIBIS NG KIDRON
Bukal ng Gihon
En-rogel
LIBIS NG HINOM (GEHENNA)
[Mga larawan sa pahina 30]
Tanawin sa silangan sa modernong Jerusalem: (A) lugar ng templo, (B) hardin ng Getsemani, (C) Bundok ng mga Olibo, (D) ilang ng Juda, (E) Dagat na Patay
[Larawan sa pahina 31]
Tanawin sa kanluran mula sa Bundok ng mga Olibo noong panahon ni Jesus