Awit 13
Isang Panalangin ng Pasasalamat
1. Mapagpalang Jehova purihin,
Nawa, O Diyos, tinig nami’y dinggin.
Dinirinig mo aming dalangin,
’Nalig kami sa iyong pagtingin.
Mahina kami’t nagkukulang din;
Dalangin namin ay paumanhin.
Tinubos ng dugo ng Anak mo.
Hangad namin sa iyo paturo.
2. Maligaya ang inanyayahan
Sa ’yong looban upang turuan.
Salita mo sa ami’y ilawan.
Nais namin templo mo’y tahanan.
Dakila ang ’yong kapangyarihan,
Pinatitibay mo ang ’yong bayan.
Pumuri sa Diyos ng kaligtasan,
At ipangaral ang Kaharian.
3. Sa lingap mo ligaya’y sagana;
Sa buong lupa pupurihin ka.
Kabutihan putong ng Kaharian,
Wala nang luha at kamatayan.
Mapaparam na ang kasamaan;
Aawit ang buong sangnilalang.
Sa tagumpay ay ating awitin:
“Purihin si Jehovang Diyos natin!”
(Tingnan din ang Awit 65:2, 4, 11; Fil. 4:6.)