Awit 20
Pagpalain ang Aming Pagtitipong Sama-sama
Printed Edition
1. Kami po ay pagpalain,
Aming Diyos na Jehova.
Salamat sa pagtitipon;
Basbasan mo po sana.
2. Sa banal mong Salita, Diyos,
Pagsamba’y dalisayin.
Sa pangangaral sanayin,
Isip at puso namin.
3. Pagpalain aming pulong,
Nang kami’y magkaisa.
Amin kang dadakilain,
Soberanong Jehova.
(Tingnan din ang Awit 22:22; 34:3; Isa. 50:4.)