Awit 17
Sulong, mga Saksi!
1. Determinado ngayong kawakasan,
Handang mga lingkod balita’y ingatan.
Ang Diyablo man ay lumalaban,
Lakas ng Diyos ating inaasahan.
(KORO)
O sulong mga Saksing totoong tapat!
Ang gawai’y ikagalak ninyong lahat!
Sabihing ang paraiso’y malapit na,
Pagpapala nito’y darating na.
2. Kawal ni Jah ay laging nagsisikap;
Ang sanlibutan ay hindi niyayakap.
Sila ay hindi nadungisan,
Katapata’y laging iniingatan.
(KORO)
O sulong mga Saksing totoong tapat!
Ang gawai’y ikagalak ninyong lahat!
Sabihing ang paraiso’y malapit na,
Pagpapala nito’y darating na.
3. Hinamak pag-asa ng Kaharian;
Dakilang ngalan ng Diyos sinisiraan.
Pakabanalin at ibunyi,
Sa lahat ng bansa at mga lahi.
(KORO)
O sulong mga Saksing totoong tapat!
Ang gawai’y ikagalak ninyong lahat!
Sabihing ang paraiso’y malapit na,
Pagpapala nito’y darating na.
(Tingnan din ang Fil. 1:7; 2 Tim. 2:3, 4; Sant. 1:27.)