Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • bm seksiyon 11 p. 14
  • Mga Awit na Nakaaaliw at Nakapagtuturo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Awit na Nakaaaliw at Nakapagtuturo
  • Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
  • Kaparehong Materyal
  • Aklat ng Bibliya Bilang 19—Mga Awit
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Mga Tampok na Bahagi sa Unang Aklat ng mga Awit
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Introduksiyon sa Mga Awit
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
bm seksiyon 11 p. 14
Si David habang tumutugtog ng alpa at kumakanta

SEKSIYON 11

Mga Awit na Nakaaaliw at Nakapagtuturo

Si David, bukod sa iba pa, ay kumatha ng mga awitin para sa pagsamba. Mababasa sa aklat ng Mga Awit ang 150 sa mga ito

ANG pinakamalaking aklat sa Bibliya ay binubuo ng mga tinipong awit para sa pagsamba, mga awiting kinatha sa loob ng mga 1,000 taon. Ang aklat ng Mga Awit ay naglalaman ng ilan sa makabagbag-damdamin at taos-pusong kapahayagan ng pananampalataya na napasulat kailanman. Naglalarawan ito ng iba’t ibang emosyon ng tao gaya ng kagalakan, pagpuri, at pasasalamat, gayundin ng pagdadalamhati, kalungkutan, at pagsisisi. Maliwanag na naipakita ng mga salmistang ito na sila’y malapít sa Diyos at nagtitiwala sa kaniya. Tingnan natin ang ilan sa tema ng mga awiting ito.

Si Jehova lamang ang tanging Soberano at karapat-dapat sambahin at purihin. “Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa,” ang mababasa natin sa Awit 83:18. Marami sa mga awiting ito ang pumupuri kay Jehova dahil sa kaniyang paglalang, gaya ng kalangitang namumutiktik sa bituin, ng kamangha-manghang mga nilalang na may buhay, at ng kahanga-hangang pagkakagawa sa katawan ng tao. (Awit 8, 19, 139, 148) Ang iba naman ay lumuluwalhati kay Jehova bilang ang Diyos na nagliligtas at nag-iingat sa mga tapat sa kaniya. (Awit 18, 97, 138) Ang iba pa ay dumadakila sa kaniya bilang ang Diyos ng katarungan, na umaaliw sa mga naaapi at nagpaparusa naman sa masasama.​—Awit 11, 68, 146.

Tinutulungan at inaaliw ni Jehova ang mga umiibig sa kaniya. Marahil ang pinakapopular sa mga awiting ito ay ang ika-23 Awit, kung saan inilalarawan ni David si Jehova bilang maibiging Pastol na gumagabay, nagsasanggalang, at nangangalaga sa kaniyang mga tupa. Ipinaaalaala ng Awit 65:2 sa mga mananamba ng Diyos na si Jehova ay “Dumirinig ng panalangin.” Malaking kaaliwan para sa maraming nakagagawa ng malulubhang kasalanan ang Awit 39 at 51, kung saan taos-pusong sinambit ni David ang kaniyang pagsisisi sa nagawa niyang malulubhang pagkakamali at nagpahayag ng pagtitiwalang patatawarin siya ni Jehova. Pinapayuhan tayo ng Awit 55:22 na magtiwala kay Jehova at ibigay sa Kaniya ang lahat ng ating pasanin o problema.

Babaguhin ni Jehova ang daigdig sa pamamagitan ng Kaharian ng Mesiyas. Maraming teksto sa Awit ang maliwanag na tumutukoy sa gagawin ng Mesiyas, ang inihulang Hari. Inihula sa Awit 2 na pupuksain ng Tagapamahalang ito ang mga bansang lumalaban sa kaniya. Isinisiwalat ng Awit 72 na wawakasan ng Haring ito ang taggutom, kawalang-katarungan, at pang-aapi. Sinasabi ng Awit 46:9 na sa pamamagitan ng Mesiyanikong Kaharian, wawakasan ng Diyos ang digmaan at wawasakin niya maging ang lahat ng sandatang pandigma. Sa Awit 37, mababasa natin na mawawala na ang masasama, pero ang mga matuwid ay maninirahan sa lupa magpakailanman nang may kapayapaan at pagkakaisa.

​—Batay sa aklat ng Mga Awit.

  • Paano pinatutunayan ng Mga Awit na si Jehova ang karapat-dapat mamahala?

  • Anu-anong awitin ang nagpapakitang tinutulungan at inaaliw ng Diyos ang mga umiibig sa kaniya?

  • Ayon sa aklat ng Mga Awit, paano babaguhin ni Jehova ang daigdig?

ANG AWIT NG MGA AWIT

Sa Awit ni Solomon, napatunayan ng hari na hindi nabibili ang pag-ibig. Isinalaysay niya ang kaniyang mga pagsisikap na mapaibig ang isang magandang dalaga na ang puso ay pag-aari na ng isang binatang pastol. Ipinakikita ng awiting ito na magagawa ng dalawang pusong tunay na nagmamahalan na pigilin ang simbuyo ng kanilang damdamin at manatiling malinis sa moral. Kapuri-puri ang magkasintahang ito dahil sa kanilang pagpipigil sa sarili, kalinisan sa moral, at katapatan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share