Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • bm seksiyon 19 p. 22
  • Ang Hula ni Jesus na Makaaapekto sa Buong Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Hula ni Jesus na Makaaapekto sa Buong Daigdig
  • Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
  • Kaparehong Materyal
  • Humingi ng Tanda ang mga Apostol
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Tanda ng mga Huling Araw
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kung Paano Natin Masasabing Malapit Na ang Armagedon
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Tungkol sa “Wakas”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
bm seksiyon 19 p. 22
Sa Bundok ng mga Olibo, kausap ni Jesus ang ilan sa kaniyang mga apostol

SEKSIYON 19

Ang Hula ni Jesus na Makaaapekto sa Buong Daigdig

Inihula ni Jesus ang mga pangyayaring bahagi ng tanda ng pagsisimula ng kaniyang paghahari at ng katapusan ng sistemang ito ng mga bagay

SA Bundok ng mga Olibo, kung saan natatanaw ang kagandahan ng Jerusalem at ng templo nito, apat sa mga apostol ni Jesus ang nagtanong sa kaniya nang sarilinan tungkol sa ilang sinabi niya. Kasasabi lang ni Jesus na mawawasak ang templo sa Jerusalem. At minsan ay binanggit din niya sa kanila ang tungkol sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” (Mateo 13:40, 49) Kaya nagtanong ang mga apostol: “Ano ang magiging tanda ng iyong pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay?”​—Mateo 24:3.

Sa sagot ni Jesus, sinabi niya kung ano ang mangyayari bago mawasak ang Jerusalem. Pero ang hulang ito ay may katuparan din sa ngayon at apektado nito ang buong daigdig. Inihula ni Jesus ang tungkol sa maraming pangyayari at kalagayan sa daigdig na bubuo ng isang tanda. Sa pamamagitan ng tandang iyan, makikita ng mga tao sa lupa na nagsimula nang maghari si Jesus sa langit. Magpapahiwatig ito na iniluklok na ng Diyos na Jehova si Jesus bilang Hari ng pinakahihintay na Mesiyanikong Kaharian. Ang tandang ito ay mangangahulugang malapit nang alisin ng Kaharian ang masasama at magkakaroon na ng tunay na kapayapaan sa buong sangkatauhan. Kung gayon, ang mga inihula ni Jesus ay magiging tanda ng mga huling araw ng lumang sistemang ito ng mga bagay​—ng relihiyon, pulitika, at lipunan sa ngayon​—at ng pagsisimula naman ng isang bagong sanlibutan.

Sa kaniyang paliwanag tungkol sa mangyayari sa lupa sa panahon ng kaniyang paghahari sa langit, sinabi ni Jesus na magkakaroon ng digmaan, kakapusan sa pagkain, malalakas na lindol, at iba’t ibang sakit sa buong daigdig. Lalaganap ang kasamaan. Ipangangaral ng tunay na mga alagad ni Jesus ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa buong lupa. Ang lahat ng ito ay magwawakas sa “malaking kapighatian” na hindi pa nangyayari kahit kailan.​—Mateo 24:21.

Paano malalaman ng mga tagasunod ni Jesus na malapit na ang kapighatiang iyon? “Matuto kayo . . . mula sa puno ng igos,” ang sabi ni Jesus. (Mateo 24:32) Kapag nagkakadahon na ang mga sanga ng puno ng igos, ibig sabihin, malapit na ang tag-init. Sa gayunding paraan, kapag nangyayari na ang lahat ng inihula ni Jesus sa loob ng isang yugto ng panahon, ibig sabihin, malapit na ang wakas. Walang nakaaalam ng eksaktong araw at oras ng pagsisimula ng malaking kapighatian kundi ang Ama lamang. Kaya naman pinayuhan ni Jesus ang kaniyang mga alagad: “Manatiling gising, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang takdang panahon.”​—Marcos 13:33.

​—Batay sa Mateo kabanata 24 at 25; Marcos kabanata 13; Lucas kabanata 21.

  • Ano ang itinanong ng mga apostol kay Jesus?

  • Ano ang ibig sabihin ng tanda na ibinigay ni Jesus, at ano ang mga pangyayaring bahagi ng tandang ito?

  • Ano ang ipinayo ni Jesus sa kaniyang mga alagad?

ANG TANDA NG PAGKANARIRITO NI KRISTO

Inihula ni Jesus ang tanda na nagpapakitang malapit nang wakasan ng Diyos ang kasalukuyang masamang sistema ng mga bagay. Mula noong Digmaang Pandaigdig I, nasaksihan na ng mga tao ang katuparan ng inihula ni Jesus. Ang relihiyon, pulitika, at lipunan ng tao sa buong daigdig ay mabilis na bumubulusok tungo sa wakas ng sistemang ito ng mga bagay, at wala silang ligtas. Itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na upang makaligtas, dapat silang “manatiling gising” at manindigan sa panig ng Diyos may kinalaman sa isyu ng pagkasoberano.a​—Lucas 21:36; Mateo 24:3-14.

a Para sa higit pang pagtalakay sa hula ni Jesus, tingnan ang kabanata 9 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share