Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ll bahagi 3 p. 8-9
  • Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?
  • Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Kaparehong Materyal
  • Mas Mataas ang Iba Kaysa sa Atin
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Kung Bakit Nawalan Sila ng Tahanan
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Nakinig Sila kay Satanas—Ano ang Epekto?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Ano ang Orihinal na Kasalanan?
    Gumising!—2006
Iba Pa
Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
ll bahagi 3 p. 8-9

BAHAGI 3

Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?

Binigyan ni Jehova ng maraming mabubuting bagay sina Adan at Eva. Genesis 1:28

Matapos lalangin ni Jehova si Eva, ibinigay niya ito kay Adan

Ginawa ni Jehova ang unang babae, si Eva, at ibinigay siya kay Adan para maging asawa nito.​—Genesis 2:21, 22.

Perpekto ang kanilang isip at katawan; wala silang kapintasan.

Pinagmamasdan nina Adan at Eva ang kanilang Paraisong tahanan

Ang Paraisong tahanan nila ay ang hardin ng Eden​—isang napakagandang lugar na may mga ilog, puno, at hayop.

Nakikipag-usap sa kanila si Jehova; tinuturuan niya sila. Kung makikinig sila sa kaniya, mabubuhay sila magpakailanman sa Paraiso sa lupa.

Ipinagbawal ng Diyos na kainin ang bunga ng isang puno. Genesis 2:16, 17

Isang puno sa hardin; sinabi ni Jehova kina Adan at Eva na huwag kainin ang bunga nito

Ipinakita ni Jehova kina Adan at Eva ang isang puno sa hardin at sinabing kapag kinain nila ang bunga nito, mamamatay sila.

Ginamit ng masamang anghel, si Satanas na Diyablo, ang isang ahas para makipag-usap kay Eva

Isa sa mga anghel ang nagrebelde sa Diyos. Ang masamang anghel na iyon ay si Satanas na Diyablo.

Ayaw ni Satanas na sumunod sina Adan at Eva kay Jehova. Kaya gumamit si Satanas ng ahas para sabihin kay Eva na kung kakainin niya ang bunga ng punong iyon, hindi siya mamamatay at magiging gaya pa nga siya ng Diyos. Siyempre, hindi totoo iyon.​—Genesis 3:1-5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share