BAHAGI 12
Paano Magiging Maligaya ang Iyong Pamilya?
Pag-ibig ang kailangan para maging maligaya ang pamilya. Efeso 5:33
Iniutos ng Diyos na ang pag-aasawa ay sa pagitan lang ng isang lalaki at isang babae.
Ang mapagmahal na asawang lalaki ay magiliw at maunawain sa kaniyang asawa.
Ang asawang babae ay dapat makipagtulungan sa kaniyang asawa.
Ang mga anak ay dapat sumunod sa kanilang mga magulang.
Maging mabait at tapat; huwag maging malupit o taksil. Colosas 3:5, 8-10
Sinasabi ng Salita ng Diyos na dapat mahalin ng lalaki ang kaniyang asawa gaya ng sarili niyang katawan at dapat namang lubos na igalang ng babae ang kaniyang asawa.
Mali ang makipagtalik sa hindi mo asawa. Mali ring magkaroon ng maraming asawa.
Malaking tulong ang Salita ni Jehova para maging maligaya ang pamilya.