Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • fg aralin 1 mga tanong 1-3
  • Ano ang Magandang Balita?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Magandang Balita?
  • Magandang Balita Mula sa Diyos!
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Dapat Matuto Mula sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
    Magandang Balita Mula sa Diyos!
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Magandang Balita Mula sa Diyos!
fg aralin 1 mga tanong 1-3

ARALIN 1

Ano ang Magandang Balita?

1. Ano ang balitang galing sa Diyos?

Masasayang tao dito sa lupa

Gusto ng Diyos na maging maligaya ang tao dito sa lupa. Nilalang niya ang lupa at ang lahat ng nandito dahil mahal niya ang sangkatauhan. At di-magtatagal, bibigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga tao sa bawat bansa. Aalisin niya ang mga pagdurusa sa lupa.​—Basahin ang Jeremias 29:11.

Hindi kayang solusyunan ng gobyerno ng tao ang karahasan, sakit, o kamatayan. Pero heto ang magandang balita: Malapit nang palitan ng gobyerno ng Diyos ang lahat ng gobyerno ng tao! At ang mga mamamayan nito ay magkakaroon ng kapayapaan at magandang kalusugan.​—Basahin ang Isaias 25:8; 33:24; Daniel 2:44.

2. Bakit napakahalaga ngayon ng magandang balita?

Mawawala lang ang pagdurusa kapag inalis na ng Diyos ang masasama. (Zefanias 2:3) Kailan mangyayari iyon? Inihula ng Salita ng Diyos ang mga kalagayang sumasalot ngayon sa sangkatauhan. Ang mga nangyayari sa panahon natin ay tanda na malapit nang kumilos ang Diyos.​—Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5.

3. Ano ang dapat nating gawin?

Dapat nating makilala ang Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Salita, ang Bibliya. Para itong liham mula sa isang mapagmahal na ama. Sinasabi nito kung paano tayo magkakaroon ng masayang buhay ngayon at ng buhay na walang hanggan sa lupa sa hinaharap. Pero baka may mga ayaw na makipag-aral ka ng Bibliya. Kung titigil ka, sayang ang pagkakataon mong magkaroon ng napakagandang kinabukasan.​—Basahin ang Kawikaan 29:25; Apocalipsis 14:6, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share