Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • fg aralin 6 mga tanong 1-5
  • Ano ang Pag-asa ng mga Patay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Pag-asa ng mga Patay?
  • Magandang Balita Mula sa Diyos!
  • Kaparehong Materyal
  • May Pag-asa ba ang mga Patay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ano ang Nangyayari sa Ating Yumaong mga Mahal sa Buhay?
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
  • Ano ang Mangyayari Kapag Namatay Tayo?
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Ano ang Nangyayari Kapag ang Isa’y Namatay?
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Magandang Balita Mula sa Diyos!
fg aralin 6 mga tanong 1-5

ARALIN 6

Ano ang Pag-asa ng mga Patay?

1. Ano ang magandang balita tungkol sa mga patay?

Binuhay-muli si Lazaro at sinalubong ng mga kapatid niyang sina Marta at Maria

Nang dumating si Jesus sa Betania malapit sa Jerusalem, apat na araw nang patay ang kaibigan niyang si Lazaro. Pumunta si Jesus sa libingan ni Lazaro, kasama ang mga kapatid nitong sina Marta at Maria. Di-nagtagal, marami pa ang dumating. Siguradong napakasaya nina Marta at Maria nang buhaying muli ni Jesus si Lazaro!​—Basahin ang Juan 11:21-24, 38-44.

Alam ni Marta ang magandang balita na may pag-asa ang mga patay. Alam niyang bubuhayin sila ni Jehova para muling manirahan sa lupa.​—Basahin ang Job 14:14, 15.

2. Ano ang kalagayan ng mga patay?

Ang paglalang kay Adan, at ang kaniyang kamatayan

Sinabi ng Diyos kay Adan: “Ikaw ay alabok, kaya sa alabok ka babalik.”​—GENESIS 3:19.

Ang tao ay gawa sa alabok. (Genesis 2:7; 3:19) Wala tayong imortal na kaluluwa na nabubuhay sa ating katawang laman. Tayo ay mga pisikal na nilalang, kaya walang bahagi natin ang nananatiling buháy pagkamatay natin. Kapag namatay tayo, patay na rin ang utak natin, at wala na tayong pag-iisip. Kaya naman walang anumang ikinuwento si Lazaro na naranasan niya habang patay siya, dahil walang malay ang mga patay.​—Basahin ang Awit 146:4; Eclesiastes 9:5, 6, 10.

Pinaparusahan ba ng Diyos sa apoy ang mga tao pagkamatay nila? Sinasabi ng Bibliya na ang mga patay ay walang alam o pakiramdam, kaya ang maapoy na impiyerno ay isang maling turo na lumalapastangan sa Diyos. Sa katunayan, kasuklam-suklam sa kaniya ang maisip man lang na sunugin ang tao bilang parusa.​—Basahin ang Jeremias 7:31.

Panoorin ang video na Ano ang Kalagayan ng mga Patay?

3. Maaari bang makipag-usap sa atin ang mga patay?

Hindi nakapagsasalita o nakakarinig ang mga patay. (Awit 115:17) Pero may masasamang anghel, at kaya nilang makipag-usap sa mga tao at magpanggap na sila ang taong namatay. (2 Pedro 2:4) Hindi natin dapat tangkain man lang na makipag-usap sa mga patay dahil ipinagbabawal iyon ni Jehova.​—Basahin ang Deuteronomio 18:10, 11.

4. Sino-sino ang bubuhaying muli?

Lalaki na binuhay-muli sa Paraiso at tinuruan tungkol sa Diyos. Pagkatapos, tinuruan niya ang ibang binuhay-muli

Milyon-milyong patay sa libingan ang muling mabubuhay sa lupa. Kahit ang mga hindi nakakilala sa Diyos at ang mga gumawa ng masama ay bubuhaying muli.​—Basahin ang Lucas 23:43; Gawa 24:15.

Bibigyan ng pagkakataon ang mga bubuhaying muli na matuto ng katotohanan tungkol sa Diyos at manampalataya kay Jesus at sumunod sa kaniya. (Apocalipsis 20:11-13) Ang mga bubuhaying muli na gagawa ng mabubuting bagay ay mabubuhay magpakailanman sa lupa.​—Basahin ang Juan 5:28, 29.

5. Anong katangian ni Jehova ang kitang-kita natin sa pag-asang pagkabuhay-muli?

Naging posible ang pag-asang pagkabuhay-muli nang isugo ng Diyos ang kaniyang Anak para mamatay alang-alang sa atin. Kaya kitang-kita natin sa pag-asang ito ang pag-ibig at walang-kapantay na kabaitan ni Jehova. Kapag binuhay-muli ang mga patay, sino ang gustong-gusto mong makita?​—Basahin ang Juan 3:16; Roma 6:23.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 6, 7, at 10 ng aklat na Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share