Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • fg aralin 14 mga tanong 1-4
  • Bakit Bumuo ng Isang Organisasyon ang Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Bumuo ng Isang Organisasyon ang Diyos?
  • Magandang Balita Mula sa Diyos!
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit May Organisasyon ang Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Organisado Upang Maglingkod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Ang Nakikitang Organisasyon ng Diyos
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • May Organisasyon ba ang Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Magandang Balita Mula sa Diyos!
fg aralin 14 mga tanong 1-4

ARALIN 14

Bakit Bumuo ng Isang Organisasyon ang Diyos?

1. Bakit inorganisa ng Diyos ang sinaunang bansang Israel?

1. Bayan ng Diyos sa sinaunang Israel; 2. Mga Kristiyano noong unang siglo na organisadong nangangaral

Inorganisa ng Diyos ang mga inapo ni Abraham para gawin silang isang bansa. Binigyan niya sila ng mga batas. Ang bansang ito, na tinawag niyang “Israel,” ang tanging bansa noon na nagtataguyod ng tunay na pagsamba at ng kaniyang salita. (Awit 147:19, 20) Kaya sa pamamagitan ng Israel, makikinabang ang lahat ng bansa sa lupa.​—Basahin ang Genesis 22:18.

Pinili ng Diyos ang mga Israelita para maging mga saksi niya. Makikita sa kanilang kasaysayan ang mabuting resulta ng pagsunod sa mga utos ng Diyos. (Deuteronomio 4:6) Kaya sa pamamagitan ng mga Israelita, makikilala ng iba ang tunay na Diyos.​—Basahin ang Isaias 43:10, 12.

2. Bakit inorganisa ang mga tunay na Kristiyano?

Nang maglaon, naging masuwayin ang Israel kaya itinakwil sila ng Diyos at ipinalit sa kanila ang kongregasyong Kristiyano. (Mateo 21:43; 23:37, 38) Ang mga tunay na Kristiyano ang pumalit sa mga Israelita sa pagsaksi, o pagpapatotoo, tungkol kay Jehova.​—Basahin ang Gawa 15:14, 17.

Inorganisa ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod para mangaral at gumawa ng mga alagad sa lahat ng bansa. (Mateo 10:7, 11; 24:14; 28:19, 20) Nasa katapusan na tayo ng sistemang ito kaya malapit nang matapos ang gawaing ito. Ngayon, milyon-milyon mula sa lahat ng bansa ang pinagkakaisa ni Jehova sa tunay na pagsamba. (Apocalipsis 7:9, 10) Inorganisa rin ang mga tunay na Kristiyano para palakasin at tulungan ang isa’t isa. Sa buong mundo, mayroon silang iisang programa ng pagtuturo mula sa Bibliya sa kanilang mga pulong.​—Basahin ang Hebreo 10:24, 25.

3. Paano nagsimula ang modernong-panahong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova?

Mga Saksi ni Jehova na nangangaral noong unang mga taon ng dekada ng 1900, pati na ngayon; nakaimprentang mga publikasyong batay sa Bibliya sa maraming wika

Noong dekada ng 1870, isang maliit na grupo ng mga estudyante ng Bibliya ang nagsikap na hanapin ang katotohanan sa Bibliya. Alam nilang inorganisa ni Jesus ang kongregasyong Kristiyano para mangaral, kaya sinimulan nila ang isang kampanya ng pangangaral tungkol sa Kaharian sa buong mundo. Noong 1931, ginamit nila ang pangalang mga Saksi ni Jehova.​—Basahin ang Gawa 1:8; 2:1, 4; 5:42.

4. Paano inoorganisa ang mga Saksi ni Jehova?

Noong unang siglo, ang mga kongregasyong Kristiyano sa maraming lupain ay pinangangasiwaan ng isang lupong tagapamahala. Kinikilala nito si Jesus bilang Ulo ng kongregasyon. (Gawa 16:4, 5) Ang mga Saksi ni Jehova ngayon sa buong mundo ay nakikinabang din sa tulong ng Lupong Tagapamahala na binubuo ng makaranasang mga elder. Pinangangasiwaan nito ang mga tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova na nagsasalin at namamahagi ng mga pantulong sa pag-aaral ng Bibliya sa mahigit 800 wika. Kaya ang Lupong Tagapamahala ay nakapagbibigay ng pampatibay-loob at tagubilin mula sa Bibliya sa mahigit 120,000 kongregasyon sa buong mundo. Sa bawat kongregasyon, may kuwalipikadong mga lalaki na naglilingkod bilang elder, o tagapangasiwa. Ang mga lalaking ito ay maibiging nangangalaga sa kawan ng Diyos.​—Basahin ang 1 Pedro 5:2, 3.

Ang mga Saksi ni Jehova ay inoorganisa rin para mangaral ng mabuting balita at gumawa ng mga alagad. Gaya ng mga apostol, nangangaral sila sa bahay-bahay. (Gawa 20:20) Nag-aalok sila ng pag-aaral sa Bibliya sa mga gustong matuto ng katotohanan. Pero hindi lang isang organisasyon ang mga Saksi ni Jehova. Sila ay isang pamilyang may mapagmahal na Ama. Sila ay magkakapatid na nagmamalasakit sa isa’t isa. (2 Tesalonica 1:3) Dahil inorganisa ang bayan ni Jehova para gawin ang kalooban ng Diyos at tulungan ang iba, sila ang pinakamasayang pamilya sa lupa.​—Basahin ang Awit 33:12; Gawa 20:35.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 19 ng aklat na Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share