Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • T-30 p. 1-4
  • Ano ang Bibliya Para sa Iyo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Bibliya Para sa Iyo?
  • Ano ang Bibliya Para sa Iyo?
  • Kaparehong Materyal
  • Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
    Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
  • Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?
    Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ang Kaharian ng Diyos?
  • Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?
    Matatapos Pa ba ang Pagdurusa?
Iba Pa
Ano ang Bibliya Para sa Iyo?
T-30 p. 1-4

Ano ang Bibliya Para sa Iyo?

Ito ba ay . . .

  • pilosopiya ng tao?

  • aklat ng mga alamat at kathang-isip?

  • Salita ng Diyos?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Ang buong Kasulatan ay mula sa Diyos.”​—2 Timoteo 3:16, Bagong Sanlibutang Salin.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

Masasagot ang mga katanungan mo sa buhay.​—Kawikaan 2:1-5.

Magagabayan ka sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.​—Awit 119:105.

Makakaasa ka sa isang magandang kinabukasan.​—Roma 15:4.

Isang babae at isang lalaki na nagbabasa ng Bibliya; pamilya na masayang namamasyal

MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa tatlong dahilan:

  • Magkakatugma ang nilalaman. Ang Bibliya ay isinulat ng mga 40 lalaki sa loob ng mahigit 1,600 taon. Hindi magkakakilala ang karamihan sa mga lalaking iyon. Pero ang lahat ng nakasulat sa Bibliya ay magkakatugma at lumuluwalhati sa pangalan at pamamahala ng Diyos!

  • Tapat. Kadalasan nang hindi binabanggit ng mga istoryador ang pagkatalo at kahinaan ng sarili nilang bayan. Pero isinulat ng mga manunulat ng Bibliya ang kanila mismong mga pagkakamali pati na ang sa bansa nila.​—2 Cronica 36:15, 16; Awit 51:1-4.

  • Maaasahan ang mga hula. Inihula ng Bibliya ang pagbagsak ng sinaunang lunsod ng Babilonya mga 200 taon patiuna. (Isaias 13:17-22) Sinabi nito kung paano babagsak ang Babilonya pati na ang mismong pangalan ng magpapabagsak dito!—Isaias 45:1-3.

    Marami pang ibang hula sa Bibliya ang natupad hanggang sa kaliit-liitang detalye. Hindi ba’t iyan naman talaga ang dapat nating asahan sa Salita ng Diyos?—2 Pedro 1:21.

PAG-ISIPAN ITO

Tatay, nanay, anak na lalaki at babae

Paano mababago ng Salita ng Diyos ang buhay mo?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa ISAIAS 48:17, 18 at 2 TIMOTEO 3:16, 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share