Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • T-33 p. 1-4
  • Sino ang Kumokontrol sa Mundo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang Kumokontrol sa Mundo?
  • Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?
  • Kaparehong Materyal
  • Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
    Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ang Kaharian ng Diyos?
  • Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?
    Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?
  • Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?
    Matatapos Pa ba ang Pagdurusa?
Iba Pa
Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?
T-33 p. 1-4

Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?

Sasabihin mo bang . . .

  • Diyos?

  • mga tao?

  • iba pa?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Ang Isa na Masama ang kumokontrol sa buong mundo.”—1 Juan 5:19.

“Ang Anak ng Diyos ay dumating . . . para sirain ang mga gawa ng diyablo.”—1 Juan 3:8, New Century Version.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

Magiging malinaw sa iyo ang dahilan ng mga problema sa mundo.—Apocalipsis 12:12.

May dahilan kang maniwala na bubuti pa ang kalagayan ng ating mundo.—1 Juan 2:17.

Kinokontrol ni Satanas ang politika, militar, mga relihiyon, at mga tao sa mundo.

MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa tatlong dahilan:

  • Wawakasan ang pamamahala ni Satanas. Determinado si Jehova na wakasan ang pamumuno ni Satanas sa mga tao. Ipinangako niya na ‘pupuksain ang Diyablo’ at aalisin ang lahat ng pinsalang idinulot ni Satanas.—Hebreo 2:14, Bagong Sanlibutang Salin.

  • Pinili ng Diyos si Jesu-Kristo para mamahala sa mundo. Ibang-iba si Jesus sa malupit at sakim na tagapamahala ng mundong ito. Tungkol sa paghahari ni Jesus, nangangako ang Diyos: “Maaawa siya sa hamak at sa dukha . . . Sasagipin niya sila mula sa pang-aapi at karahasan.”—Awit 72:13, 14.

  • Hindi makapagsisinungaling ang Diyos. Sinasabi ng Bibliya: “Imposibleng magsinungaling ang Diyos.” (Hebreo 6:18) Kapag nangako si Jehova, tiyak na matutupad iyon! (Isaias 55:10, 11) “Palalayasin ang tagapamahala ng mundong ito.”—Juan 12:31.

PAG-ISIPAN ITO

Isang pamilya na masayang namamasyal

Ano kaya ang mangyayari sa mundo kapag wala na ang masamang tagapamahala nito?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa AWIT 37:10, 11 at APOCALIPSIS 21:3, 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share