Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yc leksiyon 1 p. 4-5
  • Isang Sekreto na Gustong-gusto Nating Malaman

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Sekreto na Gustong-gusto Nating Malaman
  • Turuan ang Iyong mga Anak
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Sekretong Puwede Mong Sabihin sa Iba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Lihim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2018
  • Isang Lihim na Hindi Dapat Itago ng mga Kristiyano!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Turuan ang Iyong mga Anak
yc leksiyon 1 p. 4-5
May nakikinig na mga anghel habang nagtuturo si Jesus sa mga tao tungkol sa Kaharian ng Diyos

LEKSIYON 1

Isang Sekreto na Gustong-gusto Nating Malaman

Nasabihan ka na ba ng isang sekreto?​—a May sinasabi ang Bibliya na isang espesyal na sekretong tinatawag na “sagradong lihim.” Sagrado, kasi galing iyon sa Diyos. At hindi pa alam iyon ng mga tao kaya isang lihim iyon. Kahit ang mga anghel, gustong malaman ang sekretong iyon. Ikaw, gusto mo din ba?​—

Ano kaya ang gustong malaman ng mga anghel?

Noong unang panahon, ginawa ng Diyos ang unang lalaki at babae. Ang pangalan nila ay Adan at Eva. Binigyan sila ng Diyos ng isang magandang tirahan na tinatawag na hardin ng Eden. Kung sinunod lang nina Adan at Eva ang Diyos, nagawa sana nilang paraiso ang buong lupa, katulong ang kanilang mga anak. At nabuhay sana sila nang walang hanggan sa Paraiso. Pero natatandaan mo ba kung ano ang ginawa nina Adan at Eva?​—

Hindi sumunod sa Diyos sina Adan at Eva kaya wala tayo ngayon sa paraiso. Pero sinabi ng Diyos na pagagandahin niya ang buong lupa, at ang lahat ay magiging masaya at hindi na mamamatay. Paano niya gagawin ito? Noon, sekreto pa ito kaya hindi pa alam ng mga tao.

Noong nandito si Jesus sa lupa, tinuruan niya ang mga tao tungkol sa sekretong ito. Sinabi niya na tungkol ito sa Kaharian ng Diyos. Tinuruan ni Jesus ang mga tao na manalangin na sana’y dumating ang kaharian ng Diyos. Gagawin nitong magandang paraiso ang lupa.

Gusto mo bang malaman ang sekretong ito?​— Tandaan, ang mga masunurin lang kay Jehova ang titira sa Paraiso. Maraming kuwento ang Bibliya tungkol sa mga lalaki at babae na naging masunurin kay Jehova. Gusto mo ba silang makilala?​— Alamin natin kung sino ang ilan sa kanila at kung paano tayo magiging gaya nila.

BASAHIN SA IYONG BIBLIYA

  • Marcos 4:11

  • 1 Pedro 1:12

  • Genesis 1:26-28; 2:8, 9; 3:6, 23

  • Mateo 6:9, 10

  • Awit 37:11, 29

a Sa lahat ng kuwento, may makikita kang markang gaya nito (​—) na kasunod ng ilang tanong. Kapag nakita mo ito, magandang huminto sandali at hintaying sumagot ang iyong anak.

MGA TANONG:

  • Bakit hindi paraiso ang lupa ngayon?

  • Anong espesyal na sekreto ang sinasabi ng Bibliya?

  • Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa sekretong ito?

  • Ano ang dapat mong gawin para makatira ka sa Paraiso?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share