Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yc leksiyon 4 p. 10-11
  • Pinasaya Niya ang Kaniyang Tatay at si Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinasaya Niya ang Kaniyang Tatay at si Jehova
  • Turuan ang Iyong mga Anak
  • Kaparehong Materyal
  • Minahal Siya ng Diyos at ng Kaniyang mga Kaibigan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ang Pangako ni Jepte
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Sinasang-ayunan ng Diyos ang mga May Pananampalataya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Ang Pangako ni Jepte
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Turuan ang Iyong mga Anak
yc leksiyon 4 p. 10-11
Si Jepte at ang kaniyang anak na babae noong bata pa ito

LEKSIYON 4

Pinasaya Niya ang Kaniyang Tatay at si Jehova

Nananalangin si Jepte kay Jehova habang nakikipaglaban ang mga Israelita sa mga kaaway

Ano ang ipinapangako ni Jepte kay Jehova?

Pagbalik galing sa labanan, niyakap ni Jepte ang kaniyang anak na babae na sumalubong sa kaniya

Kahit hindi madali, tinupad ng anak ni Jepte ang ipinangako ng kaniyang tatay

Nakikita mo ba ang batang babae sa larawan?​— Siya ang anak ng lalaking si Jepte. Hindi sinasabi ng Bibliya ang pangalan niya, pero alam nating pinasaya niya ang kaniyang tatay at si Jehova. Alamin natin ang kuwento niya at ng kaniyang tatay na si Jepte.

Mabuting tao si Jepte at lagi niyang tinuturuan ang anak niya tungkol kay Jehova. Malakas din siya at isang magaling na lider. Kaya pinili siya ng mga Israelita para maging lider nila sa pakikipaglaban sa mga kaaway.

Nanalangin si Jepte kay Jehova na tulungan silang manalo. Nangako si Jepte na kapag nanalo sila, ibibigay niya kay Jehova ang unang taong lalabas sa kaniyang bahay para salubungin siya. Ang taong ito ay titira at magtatrabaho habang buhay sa tabernakulo ng Diyos. Ang tabernakulo ay ang lugar na pinupuntahan noon ng mga tao para sambahin ang Diyos. Aba, nanalo si Jepte sa labanan! Pag-uwi niya, alam mo ba kung sino ang unang lumabas ng bahay para salubungin siya?​—

Oo, ang anak na babae ni Jepte! Nag-iisa lang siyang anak, at ngayon, magkakahiwalay silang mag-ama. Lungkot na lungkot si Jepte. Pero nangako siya, ’di ba? Kaya sinabi ng anak niya: ‘’Tay, nangako po kayo kay Jehova kaya dapat n’yo pong tuparin iyon.’

Namumulot ng kahoy para sa tabernakulo ang anak na babae ni Jepte; dinalaw siya ng mga kaibigan niya

Taon-taon, ang anak ni Jepte ay dinadalaw ng kaniyang mga kaibigan

Nalungkot din ang anak ni Jepte. Kasi sa tabernakulo, hindi siya puwedeng mag-asawa at magkaanak. Pero gustong-gusto niyang tuparin ang ipinangako ng kaniyang tatay at pasayahin si Jehova. Para sa kaniya, mas mahalaga iyon kaysa mag-asawa at magkaanak. Kaya iniwan niya ang kaniyang pamilya at tumira sa tabernakulo nang buong buhay niya.

Sa tingin mo, napasaya kaya niya ang kaniyang tatay at si Jehova sa ginawa niya?​— Oo! Kung masunurin ka at mahal mo si Jehova gaya ng anak ni Jepte, magiging masayang-masaya din ang iyong mga magulang at si Jehova.

BASAHIN SA IYONG BIBLIYA

  • Deuteronomio 6:​4-6

  • Hukom 11:​30-40

  • 1 Corinto 7:​37, 38

MGA TANONG:

  • Sino si Jepte? Ano ang ipinangako niya?

  • Bakit hindi madali para sa anak ni Jepte na tuparin ang ipinangako ng kaniyang tatay?

  • Ano ang mas mahalaga para sa anak ni Jepte?

  • Paano ka magiging gaya ng anak ni Jepte?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share