Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yc leksiyon 9 p. 20-21
  • Hindi Tumigil si Jeremias sa Pagsasalita Tungkol kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hindi Tumigil si Jeremias sa Pagsasalita Tungkol kay Jehova
  • Turuan ang Iyong mga Anak
  • Kaparehong Materyal
  • Inutusan ni Jehova si Jeremias na Mangaral
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • “Inilagay Ko ang Aking mga Salita sa Iyong Bibig”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
  • Hindi Magawang Manahimik ni Jeremias
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
  • “Sabihin Mo sa Kanila ang Salitang Ito”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
Iba Pa
Turuan ang Iyong mga Anak
yc leksiyon 9 p. 20-21

LEKSIYON 9

Hindi Tumigil si Jeremias sa Pagsasalita Tungkol kay Jehova

Napapalibutan si Jeremias ng galít na mga tao

Bakit galít ang mga tao kay Jeremias?

Inaahon si Jeremias mula sa malalim na hukay na punô ng putik

Iniligtas ni Jehova si Jeremias

Kung minsan, pinagtatawanan tayo ng mga tao o nagagalit sila sa atin kapag kinakausap natin sila tungkol kay Jehova. Baka ayaw na nating magsalita tungkol sa Diyos kapag ginawa sa atin iyan. Nangyari na ba iyan sa iyo?​— May kuwento ang Bibliya tungkol sa isang kabataang lalaki na mahal si Jehova pero muntik nang tumigil sa pagsasalita tungkol sa Diyos. Jeremias ang pangalan niya. Kilalanin natin siya.

Kabataan pa lang si Jeremias noong utusan siya ni Jehova na sawayin ang mga tao kasi gumagawa sila ng masama. Napakahirap gawin nito at natatakot si Jeremias. Sinabi niya kay Jehova: ‘Hindi ko po alam ang sasabihin ko. Bata lang ako.’ Pero sinabi ni Jehova: ‘Huwag kang matakot. Tutulungan kita.’

Sinabi ni Jeremias sa mga tao na paparusahan sila kapag hindi sila nagbago. Pinakinggan kaya ng mga tao si Jeremias?​— Hindi. Pinagtawanan siya ng mga tao at may mga nagalit sa kaniya. Gusto pa nga siyang patayin ng iba! Ano sa tingin mo ang naramdaman ni Jeremias?​—Natakot siya. Sinabi niya: ‘Ayoko nang magsalita tungkol kay Jehova.’ Pero talaga bang ayaw na niya?​— Hindi naman. Mahal na mahal niya si Jehova kaya hindi niya kayang tumigil sa pagsasalita tungkol kay Jehova. At dahil hindi tumigil si Jeremias, hindi siya pinabayaan ni Jehova.

Noong minsan, inihagis ng masasamang tao si Jeremias sa malalim na hukay na punô ng putik. Wala siyang pagkain o tubig. Iniwan siya doon ng mga taong iyon para mamatay. Pero iniligtas siya ni Jehova!

Ano ang matututunan mo kay Jeremias?​— Kahit natatakot siya minsan, hindi siya tumigil sa pagsasalita tungkol kay Jehova. Kapag nakikipag-usap ka sa mga tao tungkol kay Jehova, baka pagtawanan ka nila o magalit sila sa iyo. Baka mapahiya ka o matakot pa nga. Pero huwag kang titigil sa pagsasalita tungkol kay Jehova. Lagi ka niyang tutulungan gaya ng pagtulong niya kay Jeremias.

BASAHIN SA IYONG BIBLIYA

  • Jeremias 1:​4-8; 20:​7-9; 26:​8-19, 24; 38:​6-13

MGA TANONG:

  • Ano ang ipinapagawa ni Jehova kay Jeremias?

  • Bakit muntik nang tumigil si Jeremias sa pagsasalita tungkol kay Jehova?

  • Paano tinulungan ni Jehova si Jeremias?

  • Ano ang matututunan mo kay Jeremias?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share