Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yc leksiyon 10 p. 22-23
  • Masunurin si Jesus

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Masunurin si Jesus
  • Turuan ang Iyong mga Anak
  • Kaparehong Materyal
  • Natuto si Jesus na Maging Masunurin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Kung Ano ang Matututuhan Natin sa Halimbawa ni Maria
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Bumuo Siya ng “mga Palagay sa Kaniyang Puso”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • “Ito ang Aking Anak”
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
Iba Pa
Turuan ang Iyong mga Anak
yc leksiyon 10 p. 22-23
Nahanap nina Jose at Maria sa templo ang batang si Jesus

LEKSIYON 10

Masunurin si Jesus

Lagi bang madaling sumunod sa iyong mga magulang?​— Kung minsan, mahirap. Alam mo ba na si Jesus ay masunurin kay Jehova pati na sa mga magulang niya?​— Gaya ni Jesus, puwede kang maging masunurin sa mga magulang mo kahit hindi ito madali. Tingnan natin kung paano.

Bago bumaba si Jesus sa lupa, kasama niya sa langit ang kaniyang Amang si Jehova. Pero may tatay at nanay din si Jesus dito sa lupa. Sila ay sina Jose at Maria. Alam mo ba kung paano sila naging mga magulang ni Jesus?​—

Inilagay ni Jehova sa tiyan ni Maria ang buhay ni Jesus para maipanganak siya dito sa lupa. Himala ito! Lumaki si Jesus sa tiyan ni Maria gaya ng ibang sanggol na lumaki din sa tiyan ng nanay nila. Pagkaraan ng mga siyam na buwan, ipinanganak si Jesus. Iyan ang nangyari kaya naging nanay at tatay ni Jesus dito sa lupa si Maria at ang asawa niyang si Jose.

Noong 12 taóng gulang si Jesus, may ginawa siya na nagpakitang mahal na mahal niya ang kaniyang Amang si Jehova. Pumunta sa Jerusalem ang buong pamilya ni Jesus para sumamba kay Jehova. Pero nang pauwi na sila, hindi mahanap nina Jose at Maria si Jesus. Alam mo ba kung nasaan siya?​—

Bakit nasa templo si Jesus?

Bumalik agad sa Jerusalem sina Jose at Maria. Kung saan-saan nila hinanap si Jesus. Alalang-alala sila kasi hindi nila siya makita. Pero pagkaraan ng tatlong araw, nahanap nila siya sa templo! Alam mo ba kung bakit nasa templo si Jesus?​— Kasi doon, marami siyang matututunan tungkol sa Ama niyang si Jehova. Mahal niya si Jehova at gusto niyang malaman kung paano mapapasaya ang kaniyang Ama. Kahit noong malaki na si Jesus, lagi niyang sinusunod si Jehova. At kahit alam niyang maghihirap siya, naging masunurin pa rin siya kay Jehova. Masunurin din ba si Jesus kina Jose at Maria?​— Oo, ang sabi ng Bibliya.

Ano ang matututunan mo kay Jesus?​— Dapat na maging masunurin ka sa mga magulang mo, kahit hindi ito madali kung minsan. Gagawin mo ba iyan?​—

BASAHIN SA IYONG BIBLIYA

  • Lucas 1:​30-35; 2:​45-52

  • Efeso 6:1

  • Hebreo 5:8

MGA TANONG:

  • Paano naging tatay at nanay ni Jesus dito sa lupa sina Jose at Maria?

  • Noong hinahanap nina Jose at Maria si Jesus sa Jerusalem, saan nila siya nakita?

  • Ano ang matututunan mo kay Jesus?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share