Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yc leksiyon 14 p. 30-31
  • Isang Kaharian na Mamamahala sa Buong Mundo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Kaharian na Mamamahala sa Buong Mundo
  • Turuan ang Iyong mga Anak
  • Kaparehong Materyal
  • Mabubuhay sa Paraiso ang mga Kaibigan ng Diyos
    Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • Sino ang Bubuhaying Muli? Saan Sila Titira?
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Isang Kahariang Babago sa Buong Lupa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Turuan ang Iyong mga Anak
yc leksiyon 14 p. 30-31
Si Jesu-Kristo na namamahala bilang Hari sa Paraisong lupa

LEKSIYON 14

Isang Kaharian na Mamamahala sa Buong Mundo

Alam mo ba kung ano ang Kahariang ito?​— Oo, ito ang Kaharian ng Diyos. Gagawin nitong paraiso ang buong mundo. Gusto mo bang matuto tungkol sa Kahariang ito?​—

Ang isang kaharian ay may hari. At ang hari ang namamahala sa lahat ng tao sa lupain niya. Alam mo ba kung sino ang Hari sa Kaharian ng Diyos?​— Si Jesu-Kristo. Nakatira siya sa langit. At malapit na siyang maging Hari ng lahat ng nasa lupa! Magiging masaya kaya tayo kapag si Jesus na ang Hari sa buong mundo?​—

Ano ang gusto mong gawin sa Paraiso?

Magiging masayang-masaya tayo! Sa Paraiso, wala nang mag-aaway. Wala nang gera. Magmamahalan ang mga tao. Wala nang magkakasakit o mamamatay. Makakakita ang bulag, makakarinig ang bingi, makakatakbo at makakatalon ang mga pilay. Maraming pagkain para sa lahat. Magiging mabait ang lahat ng hayop at makakalaro natin sila. Mabubuhay-muli ang mga taong namatay. Marami sa mga lalaki at babae na nakilala mo sa brosyur na ito gaya nina Rebeka, Rahab, David, at Elias ay mabubuhay din! Gusto mo ba silang makita sa Paraiso?​—

Mahal ka ni Jehova at gusto niyang maging masaya ka. Kung lagi kang mag-aaral tungkol kay Jehova at susundin mo siya, puwede kang mabuhay nang walang hanggan sa isang magandang paraiso! Gusto mo ba iyon?​—

BASAHIN SA IYONG BIBLIYA

  • Isaias 2:4; 11:​6-9; 25:8; 33:24; 35:​5, 6

  • Juan 5:​28, 29; 17:3

MGA TANONG:

  • Sino ang Hari sa Kaharian ng Diyos?

  • Sino ang pamamahalaan ni Jesus?

  • Ano ang magiging buhay natin kapag si Jesus na ang namamahala sa buong mundo?

  • Kung gusto mong mabuhay nang walang hanggan sa Paraiso, ano ang dapat mong gawin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share