Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • hf seksiyon 2 mga bahagi 1-2
  • Maging Tapat sa Isa’t Isa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Tapat sa Isa’t Isa
  • Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • 1 GAWING PRIYORIDAD ANG IYONG ASAWA
  • 2 INGATAN ANG IYONG PUSO
  • Umasa sa Diyos Para sa Masayang Pag-aasawa
    Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Pagkatapos ng Araw ng Kasal
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Manatiling Tapat sa Inyong Sumpaan Bilang Mag-asawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Pakitunguhan Nang May Paggalang ang Iyong Asawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
hf seksiyon 2 mga bahagi 1-2
Pinapayungan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa habang pinagbubuksan ng pinto ng kotse

SEKSIYON 2

Maging Tapat sa Isa’t Isa

“Ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”​—Marcos 10:9

Hinihiling ni Jehova na maging tapat tayo. (Awit 18:25) Mahalaga ito lalo na sa mag-asawa, dahil kung hindi tapat, mahirap magtiwala. At napakahalaga ng tiwala para lumago ang pag-ibig.

Sa ngayon, napakadaling mawala ng katapatan sa asawa. Para maingatan ang inyong pagsasama, kailangan mong gawin ang dalawang bagay.

1 GAWING PRIYORIDAD ANG IYONG ASAWA

ANG SABI NG BIBLIYA: ‘Tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.’ (Filipos 1:10) Ang pagsasama ninyong mag-asawa ang isa sa pinakamahalaga sa iyong buhay. Dapat itong maging priyoridad.

Gusto ni Jehova na ibigay mo ang iyong atensiyon sa iyong asawa at ma-enjoy ninyo ang buhay nang magkasama. (Eclesiastes 9:9) Malinaw na ayaw ni Jehova na ipagwalang-bahala mo ang iyong kabiyak. Dapat kayong humanap ng mga paraan para mapasaya ang isa’t isa. (1 Corinto 10:24) Ipadama mo sa iyong asawa na kailangan mo siya at mahalaga siya sa iyo.

Dinadalhan ng asawang lalaki ng mainit na inumin ang kaniyang asawa; ipinagluluto ng asawang babae ang kaniyang asawa na galing sa trabaho

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Tiyakin na lagi kayong magkasama, at na ibinibigay mo sa kaniya ang iyong buong atensiyon

  • Laging isiping “kami” sa halip na “ako”

Mag-asawang nagpipiknik

2 INGATAN ANG IYONG PUSO

ANG SABI NG BIBLIYA: “Ang bawat isa na patuloy na tumitingin sa isang babae upang magkaroon ng masidhing pagnanasa sa kaniya ay nangalunya na sa kaniya sa kaniyang puso.” (Mateo 5:28) Kung ang isa ay patuloy na nag-iisip ng imoral na mga bagay, para na rin siyang nagtataksil sa asawa niya.

Sinabi ni Jehova na “ingatan mo ang iyong puso.” (Kawikaan 4:23; Jeremias 17:9) Para magawa ito, dapat mong bantayan ang iyong mata. (Mateo 5:29, 30) Tularan ang patriyarkang si Job, na naging determinadong huwag tumingin nang may pagnanasa sa ibang babae. (Job 31:1) Maging determinadong umiwas sa pornograpya. At paglabanan ang anumang romantikong damdamin sa hindi mo asawa.

Nasa mesa ng asawang lalaki ang litrato nilang mag-asawa

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Ipakita sa iba na tapat ka sa iyong asawa

  • Isipin ang madarama ng asawa mo, at tapusin agad ang anumang damdamin o kaugnayan sa iba na makasasakit sa iyong asawa

GAWIN ANG BAHAGI MO

Maging totoo sa iyong sarili at kilalanin ang iyong mga kahinaan. (Awit 15:2) Huwag mahiyang humingi ng tulong. (Kawikaan 1:5) Kung may imoral na bagay na pumapasok sa isip mo, patuloy itong paglabanan. Huwag sumuko. (Kawikaan 24:16) Pagpapalain ni Jehova ang pagsisikap mong manatiling tapat sa iyong asawa.

TANUNGIN ANG SARILI . . .

  • Paano ko mabibigyan ng higit na panahon ang aking asawa?

  • Ang asawa ko ba ang pinakamatalik kong kaibigan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share