Awit 151
Pagsisiwalat sa mga Anak ng Diyos
Printed Edition
Malapit nang isiwalat
Mga pilíng tapat.
Makakasama ni Kristo
Maghari sa langit.
(KORO)
Mga anak ihahayag
Kasama ni Kristo.
Kabahagi sa tagumpay
At sa gantimpala.
Huling tawag maririnig
Ng mga nalabi.
Titipunin silang lahat
Ng Pangino’t Hari.
(KORO)
Mga anak ihahayag
Kasama ni Kristo.
Kabahagi sa tagumpay
At sa gantimpala.
(BRIDGE)
Makikipagdigma sila
Kasama ni Kristo.
Kasal nila, anong saya
Bisa’y walang hanggan.
(KORO)
Mga anak ihahayag
Kasama ni Kristo.
Kabahagi sa tagumpay
At sa gantimpala.
(Tingnan din ang Dan. 2:34, 35; 1 Cor. 15:51, 52; 1 Tes. 4:15-17.)