Awit 153
Ano’ng Nadarama Mo?
Ano’ng nadarama
na mangaral, magturo,
Bahagi’y magampanan
nang puso’y matamo?
B’ong kaya’y ginawa;
Diyos natin ang bahala.
Puso’y nababasa niya—
tapat ay kilala.
(KORO)
Anong saya ang maglingkod
puso, isip, tinig handog.
Papuri laging ihain
buong buhay natin.
Ano’ng nadarama
kung sa ’yo ay makinig
Pusong nakaayon sa
walang-hanggang buhay?
Mayro’ng tumatanggi,
mayro’n ding naliligaw.
Masaya pa rin tayo
na magpatotoo.
(KORO)
Anong saya ang maglingkod
puso, isip, tinig handog.
Papuri laging ihain
buong buhay natin.
Ano’ng nadarama,
tinulungan ka ni Jah,
Ipinagkatiwala
mabuting balita?
Mangaral, magturo,
Matatag, mataktika,
Hanapin maaamo;
wakas malapit na.
(KORO)
Anong saya ang maglingkod
puso, isip, tinig handog.
Papuri laging ihain
buong buhay natin.
(Tingnan din ang Gawa 13:48; 1 Tes. 2:4; 1 Tim. 1:11.)