Awit 154
Patuloy Tayong Magbabata
Pa’no magbata
Ng pagsubok, ani Jesus?
Kahit nagdusa
Kagalakan ang nadama.
Ang Diyos ay nangako,
’Yon ang binulay niya.
(KORO)
Pagbabata’y kailangan.
Manalig sa ’ting Diyos.
Pag-ibig niya’y sandigan.
Makapagbabata hanggang wakas.
Mga panahong
Lipos ng luha at kirot;
Kahit may lungkot,
Malinaw ating pag-asa.
Magiging malaya,
Patuloy magbata.
(KORO)
Pagbabata’y kailangan.
Manalig sa ’ting Diyos.
Pag-ibig niya’y sandigan.
Makapagbabata hanggang wakas.
Huwag lang sumuko
Ni magduda at matakot.
Matapat hanggang
Sa dumating araw ni Jah.
Magbata lang tayo,
Malapit na ito.
(KORO)
Pagbabata’y kailangan.
Manalig sa ’ting Diyos.
Pag-ibig niya’y sandigan.
Makapagbabata hanggang wakas.
(Tingnan din ang Gawa 20:19, 20; Sant. 1:12; 1 Ped. 4:12-14.)