Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • jy kab. 37 p. 94-p. 95 par. 1
  • Binuhay-Muli ni Jesus ang Anak ng Isang Biyuda

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binuhay-Muli ni Jesus ang Anak ng Isang Biyuda
  • Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Kaparehong Materyal
  • Pinawi ni Jesus ang Dalamhati ng Isang Biyuda
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Pinawi ni Jesus ang Dalamhati ng Isang Biyuda
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Nain
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Tagapagsauli ng Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
jy kab. 37 p. 94-p. 95 par. 1
Nakasalubong ni Jesus at ng kaniyang mga apostol ang prusisyon ng libing ng anak ng isang biyuda

KABANATA 37

Binuhay-Muli ni Jesus ang Anak ng Isang Biyuda

LUCAS 7:11-17

  • ANG PAGBUHAY-MULI SA ISANG LALAKI SA NAIN

Di-nagtagal matapos pagalingin ang lingkod ng isang opisyal ng hukbo, umalis si Jesus sa Capernaum at pumunta sa Nain, na mahigit 32 kilometro sa timog-kanluran. Kasama niya ang kaniyang mga alagad at maraming tao. Malamang na pagabi na nang marating nila ang labas ng lunsod ng Nain. Isang prusisyon ng libing ang nasalubong nila. Inilalabas sa lunsod ang bangkay ng isang lalaki para ilibing ito.

Labis ang hinagpis ng ina ng lalaking namatay. Biyuda na siya, at namatay pa ang kaisa-isa niyang anak. Nang mamatayan siya ng asawa, kahit paano ay kasama pa niya ang kaniyang anak. Isip-isipin kung gaano sila kalapít ng kaniyang anak, at ito ang tanging pag-asa at kinabukasan niya. Pero ngayon, wala na rin ang anak niya, kaya paano na siya?

Pagkakita ni Jesus sa biyuda, nadurog ang puso niya sa pagdadalamhati ng babae at sa kalagayan nito. Dinamayan niya ito at mahinahong sinabi: “Huwag ka nang umiyak.” Pero hindi lang iyan ang ginawa ni Jesus. Lumapit siya at hinipo ang hinihigaan ng bangkay. (Lucas 7:13, 14) Dahil sa kaniyang ginawa, biglang napatigil ang mga tao sa paglalakad. Tiyak na naisip ng marami, ‘Ano’ng ibig niyang sabihin, at ano ang gagawin niya?’

Ibinigay ni Jesus ang binuhay-muling binata sa kaniyang ina; nakatingin ang mga taong manghang-mangha

Ano naman ang reaksiyon ng mga kasamang naglalakbay ni Jesus, na nakasaksi sa kaniyang makahimalang pagpapagaling? Lumilitaw na hindi pa nila nakitang bumuhay ng patay si Jesus. Bagaman may mga bumuhay na noon ng patay, may kakayahan din kaya si Jesus na gawin iyon? (1 Hari 17:17-23; 2 Hari 4:32-37) Inutusan ni Jesus ang patay: “Lalaki, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!” (Lucas 7:14) At iyon nga ang nangyari. Umupo ang lalaki at nagsalita! Ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina, na di-makapaniwala pero masayang-masaya. Kasama na niya uli ang kaniyang anak.

Nang makita ng mga tao na nabuhay ang binata, pinuri nila ang Tagapagbigay-Buhay, si Jehova, at sinabi: “Nagkaroon ng isang dakilang propeta sa gitna natin.” Naunawaan naman ng iba ang kahalagahan ng kamangha-manghang ginawa ni Jesus, na sinasabi: “Binigyang-pansin ng Diyos ang kaniyang bayan.” (Lucas 7:16) Kumalat agad sa nakapaligid na mga bayan ang balita tungkol dito at malamang na pati sa Nazaret, ang bayan ni Jesus, na mga 10 kilometro ang layo. Nakarating din ang balita hanggang sa Judea sa timog.

Nakabilanggo pa rin si Juan Bautista, at interesadong-interesado siya sa mga ginagawa ni Jesus. Ibinalita kay Juan ng mga alagad niya ang tungkol sa mga himalang ito. Ano kaya ang reaksiyon niya?

  • Ano ang nasalubong ni Jesus habang papalapít sa Nain?

  • Ano ang nadama ni Jesus sa nakita niya, at ano ang ginawa niya?

  • Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sa ginawa ni Jesus?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share