Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • od kab. 15 p. 157-161
  • Makinabang sa Teokratikong Pagpapasakop

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Makinabang sa Teokratikong Pagpapasakop
  • Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KUNG PAANO IPAPAKITA ANG TEOKRATIKONG PAGPAPASAKOP
  • Kung Ano ang Hinihiling sa Atin ng Pagpapasakop sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Ang Pagpapasakop sa Diyos—Bakit at Nino?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Pagkaulo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ano ang Kahulugan ng Maging Ulo ng Sambahayan?
    Gumising!—2004
Iba Pa
Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
od kab. 15 p. 157-161

KABANATA 15

Makinabang sa Teokratikong Pagpapasakop

NAPAKAHALAGANG magpasakop sa Diyos na Jehova, ang Soberano ng Uniberso, para maging organisado tayo sa paggawa ng kaniyang kalooban. Kinikilala natin ang pagkaulo ng kaniyang Anak sa kongregasyong Kristiyano at sinusunod natin ang prinsipyo ng pagkaulo sa iba pang aspekto ng ating buhay. Ang lahat ay nakikinabang sa kaayusan ng Diyos sa pagpapasakop.

2 Sa hardin ng Eden, unang itinuro sa mga tao ang prinsipyo ng pagpapasakop sa awtoridad. Makikita ito sa mga utos ng Diyos sa Genesis 1:28 at 2:16, 17. Ang mga hayop ay nilalang para magpasakop sa mga tao, at sina Adan at Eva naman ay dapat magpasakop sa kalooban at awtoridad ng Diyos. Ang pagsunod sa awtoridad ng Diyos ay magdudulot ng kapayapaan at kaayusan. Nang maglaon, ang prinsipyo ng pagkaulo ay itinampok sa 1 Corinto 11:3. Isinulat ni apostol Pablo: “Gusto kong malaman ninyo na ang ulo ng bawat lalaki ay ang Kristo; ang ulo ng babae ay ang lalaki; at ang ulo ng Kristo ay ang Diyos.” Ipinapakita nito na ang lahat, maliban kay Jehova, ay dapat magpasakop sa pagkaulo.

3 Hindi kinikilala o sinusunod ng karamihan sa ngayon ang prinsipyo ng pagkaulo. Bakit? Nagsimula ang problema sa Eden. Sinadya ng ating unang mga magulang na huwag magpasakop sa pagkaulo ng Diyos. (Gen. 3:4, 5) Pero sa halip na maging mas malaya, naging alipin sila ng isang napakasamang espiritung nilalang, si Satanas na Diyablo. Dahil sa unang rebelyong iyon, ang mga tao ay napalayo sa Diyos. (Col. 1:21) Kaya ang karamihan ng tao sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng isa na masama.​—1 Juan 5:19.

4 Dahil natutuhan natin ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos at kumilos ayon dito, nakalaya tayo sa impluwensiya ni Satanas. Bilang nakaalay at bautisadong mga Saksi, kinikilala natin si Jehova bilang ang Soberano ng ating buhay. Kinilala ni Haring David na si Jehova ang “ulo ng lahat,” at ganoon din tayo. (1 Cro. 29:11) Mapagpakumbaba nating ipinahahayag: “Alamin ninyo na si Jehova ang Diyos. Siya ang gumawa sa atin, at tayo ay sa kaniya. Tayo ang bayan niya at ang mga tupa sa pastulan niya.” (Awit 100:3) Kinikilala natin na si Jehova ay dakila at karapat-dapat sa ating lubusang pagpapasakop dahil siya ang lumalang sa lahat ng bagay. (Apoc. 4:11) Bilang mga ministro ng tunay na Diyos, tinutularan natin si Jesu-Kristo, na nagpakita ng perpektong halimbawa ng pagpapasakop sa Diyos.

5 Ano ang natutuhan ni Jesus mula sa mga pinagdusahan niya sa lupa? Sinasabi ng Hebreo 5:8: “Kahit na anak siya ng Diyos, natuto siyang maging masunurin mula sa mga pinagdusahan niya.” Oo, patuloy na nagpasakop si Jesus sa kaniyang Ama sa langit kahit sa harap ng matitinding pagsubok. Hindi rin gumawa si Jesus ng kahit isang bagay sa sarili niyang pagkukusa. Hindi siya nagsalita nang mula sa kaniyang sarili o naghanap man ng sarili niyang kaluwalhatian. (Juan 5:19, 30; 6:38; 7:16-18) Noong panahon ng kaniyang ministeryo, nalugod siyang gawin ang kalooban ng kaniyang Ama, kahit pa dumanas siya ng pagsalansang at pag-uusig dahil dito. (Juan 15:20) Nagpasakop si Jesus sa Diyos. “Nagpakababa siya” maging hanggang sa “kamatayan sa pahirapang tulos.” Dahil lubusan siyang nagpasakop kay Jehova, napakaraming magagandang resulta—walang-hanggang kaligtasan para sa sangkatauhan, isang nakatataas na posisyon para sa kaniya, at kaluwalhatian para sa kaniyang Ama.​—Fil. 2:5-11; Heb. 5:9.

KUNG PAANO IPAPAKITA ANG TEOKRATIKONG PAGPAPASAKOP

6 Kapag ginagawa natin ang kalooban ng Diyos bilang pagpapasakop sa kaniya, naiiwasan natin ang maraming álalahanín at pagkabigo na nararanasan ng mga tumatangging magpasakop sa soberanya ni Jehova. Laging sinisikap ng ating kalaban, ang Diyablo, na biktimahin tayo. Pero makaliligtas tayo kung maninindigan tayo laban sa kaniya at kung handa tayong magpasakop kay Jehova.​—Mat. 6:10, 13; 1 Ped. 5:6-9.

7 Sa loob ng kongregasyong Kristiyano, kinikilala natin ang pagkaulo ni Kristo at ang awtoridad na ibinigay niya sa “tapat at matalinong alipin.” Nakaaapekto ito sa ating saloobin at pakikitungo sa isa’t isa. Ang pagpapasakop sa Diyos ay magpapakilos sa atin na maging masunurin sa Salita ng Diyos sa lahat ng aspekto ng ating pagsamba. Kasama rito ang ating ministeryo, pagdalo at pakikibahagi sa mga pulong, kaugnayan sa mga elder, at pakikipagtulungan sa mga kaayusan ng organisasyon.​—Mat. 24:45-47; 28:19, 20; Heb. 10:24, 25; 13:7, 17.

8 Ang pagpapasakop sa Diyos ay nakatutulong para maging mapayapa, matiwasay, at maayos ang kongregasyong Kristiyano. Tinutularan ng mga nagpapasakop kay Jehova ang kaniyang mga katangian. (1 Cor. 14:33, 40) Ang magagandang karanasan natin sa organisasyon ni Jehova ay nagpapakilos sa atin na ipahayag ang katulad ng nadama ni Haring David. Nakita niya ang malaking pagkakaiba ng mga lingkod ni Jehova at ng masasama, kaya nasabi niya: “Maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova!”—Awit 144:15.

9 Sa kaayusan ng pag-aasawa at pamilya, “ang ulo ng babae ay ang lalaki.” Ang mga lalaki naman ay dapat magpasakop kay Kristo, at ang ulo ng Kristo ay ang Diyos. (1 Cor. 11:3) Ang asawang babae ay dapat magpasakop sa kaniyang asawang lalaki, at ang mga anak naman sa kanilang mga magulang. (Efe. 5:22-24; 6:1) Nagiging payapa ang pamilya kapag ang bawat miyembro ay sumusunod sa prinsipyo ng pagkaulo.

10 Dapat gampanan ng asawang lalaki ang kaniyang pagkaulo sa maibiging paraan, gaya ni Kristo. (Efe. 5:25-29) Kung ginagampanan niya ang kaniyang pagkaulo at hindi niya ito aabusuhin, ang kaniyang asawa at mga anak ay masisiyahan sa pagpapasakop sa kaniya. Ang papel naman ng asawang babae ay maging katulong, o katuwang niya. (Gen. 2:18) Sa matiyagang pagsuporta at paggalang sa kaniyang asawa, lalo siyang minamahal nito at naluluwalhati niya ang Diyos. (1 Ped. 3:1-4) Kapag sinusunod ng asawang lalaki at babae ang payo ng Bibliya tungkol sa pagkaulo, nagpapakita sila ng halimbawa sa kanilang mga anak pagdating sa pagpapasakop sa Diyos.

Ang teokratikong pagpapasakop ay nakaaapekto sa lahat ng aspekto ng ating buhay

11 Ang pagpapasakop natin sa Diyos ay nakaaapekto rin sa saloobin natin sa “nakatataas na mga awtoridad,” na ‘inilagay ng Diyos sa kani-kanilang posisyon.’ (Roma 13:1-7) Bilang mga mamamayang masunurin sa batas, ang mga Kristiyano ay nagbabayad ng buwis, na ibinabayad “kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, pero sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” (Mat. 22:21) Bukod diyan, ang mga kaayusan sa pagkubre sa teritoryo ay kaayon ng mga data protection law. Kapag nagpapasakop tayo at sumusunod sa awtoridad pagdating sa lahat ng bagay na hindi naman salungat sa matuwid na kautusan ni Jehova, naibibigay natin ang ating buong makakaya sa gawaing pangangaral.​—Mar. 13:10; Gawa 5:29.

12 Ang teokratikong pagpapasakop ay nakaaapekto sa lahat ng aspekto ng ating buhay. Nananampalataya tayo na darating ang araw na ang lahat ng tao ay magpapasakop sa Diyos na Jehova. (1 Cor. 15:27, 28) Tatanggap ng walang-hanggang pagpapala ang mga buong-pusong kumikilala sa soberanya ni Jehova at patuloy na nagpapasakop sa kaniya!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share